Yon ang tipo niyang mapangasawa. Love at first sight, ika nga. Makalipas ang ilang araw, pinatay ng babae ang sarili niyang ate. Na-shock ang pulis sa inamin niyang dahilan. Hulaan ang motibo niya.
Sirit? Nais ng babae makita muli ang lalaki. Inasam niyang dadalo ito sa libing ng Ate niya!
Kung tama ang hula mo, tumungo agad sa pulis at magpakulong. Subok ng US psychologists ang test na ito para alamin kung utak-killer ang subject. Nasagot ito ng ilang dosenang serial killers.
Kung di mo nahulaan, buti na lang. Puwede ka sa susunod na psycho test para malaman kung utak-alaskador ka: Ano ang kaibahan ng bagong asawa sa bagong aso?
Sirit? Makalipas ang isang taon, excited pa rin ang aso na makita ka.
Hindi mo pa rin nasagot? Okey lang; ibig sabihin, matino ka. Pero heto ang isa pa, in-adapt ng Filipino psychologists, para malaman kung utak-pilosopo ka: Dami ng doktor sa bansa, 70,000; dami ng aksidenteng pagkamatay sa doktor kada taon, 12,000; aksidente-patay kada doctor: 0.171. Dami ng de-baril sa bansa, 800,000 (kasama sundalot pulis); dami ng aksidenteng pagkamatay sa baril kada taon, 150. Aksidente-patay kada de-baril, 0.0000187. Mas delikado ba ang doktor kaysa de-baril?
Kung sagot mo "oo", pilosopo ka nga. Abay sa katwiran mo, 9,000 beses mas delikado ang doktor kaysa de-baril. Sa isip mo, di lahat ay de-baril, pero lahat ay may isang doktor kahit papano.
Ito naman, test ko. Kung mabilang mo ang alak sa sulat ng binata sa Ama, lasenggo ka: "Beer Dad, Gindi na ako iinom uli whisky kelan. Tanduayan niyo yan. Prhumise, tetequilan ko na ang pag-inom. Your loving San, Miguel.