^

PSN Opinyon

Optional celibacy

- Al G. Pedroche -
HOT ISSUE pa rin ang tungkol sa umano’y sexual abuses na nagagawa ng ilang Paring Katoliko.

Kamakailan, nasabi ko sa kolum na ito na dapat payagang mag-asawa ang pari para mabawasan ang ganitong klase ng paglabag.

At totoong hindi ipinagbabawal ng Biblia ang pag-aasawa ng mga namumuno sa simbahan.

Kamakalawa, napanood ko sa isang panayam sa telebisyon si Monsignor Nico Bautista at natuwa ako porke’t nagkakaisa kami ng pananaw tungkol sa usapin ng celibacy o di pag-aasawa ng Pari.

Aniya, dapat gawing optional ang vow of celibacy. Celibacy, Bautista said, is a "charism" or gift. It’s either one has it or not.

Kaya kung ang isang nagpapari’y wala nito, hindi siya dapat obligahing huwag mag-asawa tulad ng ginagawa ngayon sa Roman Catholic Church.

Ang pagpapari ay isang bokasyon. Kung matindi ang hangarin ng isang tao na magpari, ito’y isang tawag sa kanya para pasukin ang bokasyong ito. Pero kasabay ng tawag na ito, maaaring wala siyang gift to be celibate.

Kaya marahil marami ang napilitan lamang na yakapin ang vow of celibacy dahil sadyang marubdob ang hangaring maging pari.

At dahil dito, dumating ang sandali ng pagkahulog nila sa tukso. Kaya naririnig natin ngayon ang mga masasamang alimuom tungkol sa mga paring nakakabuntis ng babae o nang-aabusong sexual.

Dahil dito, ipinapayo ni Monsignor Bautista na gawing optional ang celibacy.

Sa ngayon, ang mga Paring nakakabuntis ay tinatanong ng obispo kung nais talikuran ang pagkapari at pakasalan ang babaeng dinisgrasya. Kung ibig niyang ituloy ang bokasyon bilang Pari, siya’y sumasailalim sa rehabilitasyon pero dapat niyang harapin at panagutan ang kanyang obligasyon sa babaeng kanyang binuntis.

Hanga ako sa mga tumalikod sa pagkapari upang pakasalan ang babaeng kanilang minamahal. They’s only being fair to their vocation na ayaw nilang dungisan.

Ngunit doon sa mga nagpapatuloy sa pagpapari pero may sinusustentuhang "anak sa labas" ito’y nagiging dungis sa buong Simbahan.

At habang nagpapatuloy ang ganitong mga pangyayari, lalo lamang madudungisan ang imahe ng Simbahan.

ANIYA

BAUTISTA

BIBLIA

KAYA

MONSIGNOR BAUTISTA

MONSIGNOR NICO BAUTISTA

PARING KATOLIKO

ROMAN CATHOLIC CHURCH

SIMBAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with