^

PSN Opinyon

Linggo ng Pentekostes

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Ngayon ang pandaigdigang Simbahan ay nagdiriwang ng pagbuhos ng Espiritu Santo. Nitong nakaraang 50 araw, ipinagdiwang natin ang pagkabuhay na muli ni Jesus. Dahil sa nakabalik na siya sa langit, ibinuhos ngayon ni Jesus ang Espiritu Santo sa kanyang mga alagad. Sa katunayan, ngayon ang kaarawan ng Simbahan.

Ipinagpapatuloy ng Simbahan ang gawaing isinaganap ni Jesus ang pagtatatag ng paghahari ng Diyos dito sa lupa. Sa pagbuhos sa Espiritu Santo, ginagarantiyahan ni Jesus ang kanyang presensiya. Ang Espiritu ang gagabay sa Simbahan. Ang Banal na Espiritu ang magbibigay-liwanag sa mga isipan ng mga alagad. Pupunuin niya ang kanilang mga puso ng ibayong alab. Bibigyan sila ng Espiritu ng kinakailangang lakas ng loob upang harapin ang mga paghihirap at pagpapahirap.

Sa Ebanghelyo ni Juan para sa araw na ito, si Jesus ay napakita sa Labing-isa at hiningahan niya sila ng Espiritu Santo (Jn. 20:19-23).

‘‘Kinagabihan ng araw ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila. ‘Sumainyo ang kapayapaan!’ sabi niya. ‘Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Jesus, ‘Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.’’ Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi, ‘Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.’’


Ang mga alagad ay nababagabag at nahihintakutan. Kung kaya’t ibinigay ni Jesus sa kanila ang kanyang kapayapaan. Ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga sugat. Ang Jesus na ito na kanilang nararanasan bilang nabuhay na muli ay siya ring Jesus na namatay sa krus. Inulit ni Jesus ang pagbibigay niya sa Labing-isa ng kanyang kapayapaan. Pagkatapos, sinugo niya sila sa isang misyon. Hiningahan niya sila ng kanyang Banal na Espiritu. Binigyang-kapangyarihan niya sila na magpatawad ng mga kasalanan. Ang kasalanan ay napawi at ang biyaya ay napanumbalik.

Sa araw ng inyong binyag, ang inyong mga kasalanan ay nahugasan na. Nag-umpisang manahan sa inyo ang Banal na Espiritu. At ako’y sinugo upang ipagpatuloy ang misyon ni Jesus.

ANG BANAL

ANG ESPIRITU

ANG JESUS

ESPIRITU

ESPIRITU SANTO

JESUS

KANYANG

NIYA

SIMBAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with