^

PSN Opinyon

Mga pista sa Mayo

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Kapag Mayo ay maraming lugar na nagdaraos ng pista. Noong Biyernes (May 17) ay ipinagdiriwang ng mga taga-Obando, Bulacan ang kapistahan ng kanilang patron na si Sta Clara na ayon sa marami ay milagrosa at marami na ang nagpatotoo na nang sila’y namanata at sumayaw dito ay pinagkalooban sila ng anak. Marami ang nakikipamiyesta sa Obando na mula sa iba’t ibang lugar. Marami rin ang Balikbayan at mga banyagang turista na lubos ang kasiyahan sa maraming palabas.

Halos lahat ng araw ng Linggo ng Mayo ay pista ng Antipolo. Maraming mga deboto madaling-araw pa lang ay naglalakad patungong Antipolo para magsimba. Ayon sa mga mananampalataya ay marami ng himala ang ipinagkaloob ng Nuestra Señora dela Buenviaje.

Sa lumang Las Piñas Church na kung saan matatagpuan ang Bamboo Organ ay marami ang nagsisimba. Halos lahat ng bahay ay may handa at karamihan sa inihahain sa mesa ay seafoods. Marami ring bayan sa Laguna ang nagdiriwang ng pista sa buwang ito. Pinag-uusapan ang kesong puti festival sa Sta. Cruz, at ang parada ng mga tsinelas sa Liliw.

Sa Lucban, Quezon ay marami ang natutuwa sa festival ng mga gulay na parang flower festival ng Baguio City. Sa Bulacan, Bulacan ay maraming panoorin kapag pista kabilang na ang mga prusisyon ng mga antigong imahen. Sa San Dionisio, Parañaque at maging sa iba pang lugar ay pinag-uusapan ang magagandang sagala sa mga ginaganap na Santacruzan.

BAGUIO CITY

BAMBOO ORGAN

BULACAN

KAPAG MAYO

LAS PI

MARAMI

NOONG BIYERNES

NUESTRA SE

OBANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with