Editoryal - Magtipid sa tubig
May 18, 2002 | 12:00am
HINDI pa sumasalakay ang El Niño at ang nararanasan umanong init sa kasalukuyan ay bahagi pa rin ng tag-araw. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), mararanasan ng bansa ang El Niño sa mga huling tatlong buwan ng taong ito. Ang nararanasang init sa bansa ngayon ay magpapatuloy pa nang kung ilang linggo. Hindi naman sinabi ng Pagasa kung magkakaroon na ng pag-ulan na kinasanayan nang dumarating kung Hunyo.
Hindi pa nga El Niño subalit maraming lugar na sa Pilipinas ang dumaranas ng tag-tuyot. Sa isang report mababa na umano ang level ng tubig sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija. Kinatatakutan na kung patuloy na matutuyo ang mga dam at iba pang water reservoir, mawawalan ng supply ng tubig ang mga taniman at malaki ang magiging epekto nito sa agrikultura. Sa mga nagdaang pagsalakay ng El Niño noong dekada 90, nagkaroon ng krisis sa tubig ang Manila, Baguio, Cebu, Iloilo, Cagayan, Ilocos, Central Luzon, Bicol, Western Visayas at Northern Mindanao. Ngayoy inaasahang mas malawak pa ang sasakuping lugar nang mapaminsalang tag-tuyot.
Naghahanda na ng contency measures ang Macapagal administration sa pagsalakay ng El Niño. Sinabi ni Acting Press Secretary Silvestre Afable na nag-request na ang Department of Agriculture ng P1 bilyon bilang paghahanda sa epekto ng dry spell. Ang pondo ay gagamitin umano sa epektibong pag-conserve ng tubig at sa pagka-cloud seeding. Kamakailan ay nagsagawa na ng cloud seeding sa ilang bahagi ng bansa.
Ang pagtitipid sa tubig ay nararapat nang umpisahan ngayon pa lamang. Magpalabas na ng mga kampanya sa diyaryo, radyo at telebisyon ang pamahalaan at ipaalala sa taumbayan ang pagtitipid sa tubig. Ngayon na ito gawin sapagkat nakikita na kahit hindi pa El Niño ay salat na salat na sa tubig, e di mas lalo pa sa pagtama nito. Ngayoy mahina na ang pressure ng tubig sa gripo at maaaring palatandaan na bumababa na ang level ng tubig.
Dapat din namang ipaalam sa dalawang pribadong kompanya ng tubig ang Maynilad Water Inc. at Manila Water na asikasuhin ang mga leak na nagpupuslit ng tubig. Maraming lugar sa Metro Manila ang nagtatapon ng tubig dahil butas ang tubo. Mas marami pa ang natatapon kaysa nagagamit ng consumers. Isang dahilan ang mga butas na tubo kung bakit mahina ang lumalabas sa gripo.
Hindi na dapat hintayin ang El Niño at ngayon pa lamang ay magsimula na ang lahat sa pagtitipid ng tubig. Ikampanya ito ng pamahalaan para maunawaan ng taumbayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended