Papaypayan ni Aglipay ang Taguig-bastos police

KAHIT nasa China si NCRPO Director General Edgar Aglipay ay nanggagalaiti ito sa galit ng malaman niyang may tatlong Taguig-bastos police ang nambaboy kay Lordeth Bonilla, reporter ng diyaryong ito, kaya’t binigyan niya ng ultimatum si Sr./Supt. Rodolfo Sison, hepe ng Taguig-bastos police na turuan ng leksiyon sina Bastos/Inspector Virgilio Pagtama, Bastos/PO1 Erron Balauat at Bastos/PO1 Edwin Duka.

Mukhang problemado ang mga nabanggit na bastos cops sa hindi malaman dahilan kasi kahit lady reporter ay pinapatulan ng mga ito. PNP bossing Leandro Mendoza, bakit ka nagkaroon ng ganitong klaseng police?

Alam kung hindi papalusutin ni SPD Director Sonny Gutierrez ang bagay na ito kapag nakarating sa kanya ang reklamo ni Bonilla?

Hindi lamang pala si Bonilla ang nakaranas ng mga pambabastos ng bastos cops pati pala ang iba nating kasamahan sa hanapbuhay ay hindi rin nakalusot sa bastos cops?

Hindi lahat ng pulis ay kaparis ng Taguig-bastos cops ang iba sa kanila ay mababait at magagalang kaya’t maganda ang samahan nila ng mga mamamahayag sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Hayaan mo Lordeth hindi ka pababayaan ng mga kuwago ng ORA MISMO oras na dumating si Aglipay sa NAIA asahan mong kukulitin natin ito para malaman natin kung anong aksyon ang ginawa sa tatlong bastos cops.

‘‘Mahina siguro ang liderato ng bossing diyan sa Taguig kaya may mga bastos cops itong alaga?’’ anang kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.

‘‘Pero hindi lahat ng taga-Taguig police ay bastos!’’ sagot ng kuwagong Kotong cops.

‘‘Bakit ba mahilig silang mambastos? tanong ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.

‘‘Baka may problema sa obligasyon nila kaya ganoon?’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Paano ngayon may nag-reklamo at kay Aglipay pa!’’

‘‘Bahala silang magpaliwanag kay Aglipay’’

‘‘Baka mag-iiskuling sila?’’

‘‘Saan?’’

‘‘Sa Taguig preparatory school?’’

‘‘Bakit doon?’’

‘‘Kukuha sila ng kursong good manners and right conduct’’

‘‘Dapat lang!’’

Show comments