Hindi maka-afford ng sariling bahay
May 10, 2002 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,
Natutuwa ako sa paglathala ng address ninyo sa Pilipino Star NGAYON. Noon ko pa gustong sumulat sa iyo pero hindi ko po alam kung paano.
Isa rin po ako sa nagnanais na magkaroon ng sariling bahay pero parang malabo. Nagkaroon lamang ako ng lakas ng loob dahil alam kong matutulungan ninyo ako. Ang housing program ng pamahalaan po ba ay para kanino? Nababasa ko po kasing maraming pabahay diyan sa kamaynilaan.
Dahil sa hirap ng buhay ngayon ay wala halos maka-afford na magpatayo ng bahay kaya nangungupahan na lamang. Sana sa halip na mangupahan kami ng house and lot ay maghulog na lamang kami para mapapasa-amin sa huli ang lupat bahay. Ano po ba ang Rent-to-Own-Progam? Mrs. Bardoquin, La Trinidad, Benguet
Ang Rent-to-Own-Program ng Pag-IBIG ay naglalayon na magbigay ng bahay sa murang halaga sa mga Pag-IBIG member na hindi kayang masustentuhan ang monthly amortization ng Pag-IBIG housing loan at mabigyan ng kaseguruhan na mapasainyo ang bahay pagdating ng panahon na maaari nang maging eligible na mangutang. Ang HDMF at ang Pag-IBIG member ay papasok sa isang Contract of Lease with Option to Purchase sa loob ng hindi hihigit ng limang taon. Ang nangungupahan ay maaari niyang gamitin ang kanyang karapatan na bilhin ang bahay sa huli ng termino ng nasabing kontrata.
Ang programang ito ay bukas sa Pag-IBIG o hindi Pag-IBIG members. Sinuman na hindi Pag-IBIG member ay maaaring magrehistro sa oras ng pagpasok sa Contract of Lease.
Sinuman na mayroong monthly gross family income ng P4,000, walang kasalukuyang utang sa anumang financial institution at hindi nagmamay-ari ng bahay ay maaring maka-avail ng ating programa.
Maaari po kayong makipag-ugnayan ukol sa mga available housing units sa ating Pag-IBIG Office sa Baguio City na may address na Ground Flr., Insular Life Bldg., Abanas St. cor. Legarda Rd. na may tel. no. na (074) 442-585, Fax No. 442-5861, Bayantel loc. 214.
Sa mga nagnanais sumulat maaari nin-yong ipadala ang inyong liham sa aking tanggapan-Office of the Chairman, HUDCC, 6th Flr., Atrium Bldg., Makati City.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest