^

PSN Opinyon

Editoryal - Singil sa tubig naman ang pagbabalingan

-
YES! Marami ang natuwa nang ipag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Manila Electric Co. (Meralco) ang pagsuspinde sa kontrobersiyal na purchased power adjustment (PPA). Hindi na maaaring makapaningil ang Meralco sa mga consumer na matagal na ring umaangal sa taas ng binabayaran. Ang PPA ay nagsilbing pasang-krus ng taumbayan.

Subalit hindi pa man nakababawi sa kaunting kasiyahang dulot ng pagkasuspinde ng PPA, ang bayarin naman sa tubig ang panibagong iniaangal ng mga consumer. May agam-agam na magtataas na naman ng singil ang Maynilad Water Service Inc. (MWSI) at Manila Water. Ang dalawang kompanyang ito ay mga private concessionaires na namamahala sa distribution ng tubig sa Metro Manila at mga karatig-lugar.

Mula nang mailipat sa dalawang kompanyang ito ang pamamahala mula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) noong 1998 kakatwang maraming reklamo hindi lamang sa pabigla-biglang pagtaas ng singil kundi sa mahinang serbisyo. Marami na ring sulat ang natanggap ng pahayagang ito mula sa mga nagrereklamong consumers na nagbabayad sila nang malaki sa tubig subalit wala namang lumalabas sa kanilang gripo kundi hangin lamang. May sumulat na hindi naman daw inaaksiyunan ng dalawang concessionaires ang reklamo nila tungkol sa mga sirang tubo sa kalye na malayang tumatagas ang tubig. Nagdudulot ito nang pagkasira ng kalsada. Habang marami ang uhaw sa tubig, mas marami ang tumatagas at nasasayang sa kalye. Hindi ito karaka-rakang inaaksiyunan ng Maynilad at Manila Water.

Marami rin ang nagtataka sa mga nakasaad sa water bill na hindi malaman ng consumers kung ano ang mga iyon. Ang mga ito ay ang CERA (Currency Adjustment Rate); FCDA (Foreign Currency Defferential Adjustment); Environmental Charge, Maintenance Service Charge at Value Added Tax (VAT).

Marami ang hindi nakaiintindi sa mga bayaring ito at walang magawa ang mamamayan kundi ang maghimutok na lamang. Labis ang kanilang pagtataka sa dami ng mga ipinapatong na hindi naman nila malaman kung ano iyon.

Kung ang PPA ng kuryente ay nagawang suspindehin ng pamahalaan, maaari rin ito sa tubig. Busisiing mabuti ang mga bayaring nakasaad kung ito nga ba’y makatwiran sa panahong ito na ang taumbaya’y sagad na sa hirap.

CURRENCY ADJUSTMENT RATE

ENERGY REGULATORY COMMISSION

ENVIRONMENTAL CHARGE

FOREIGN CURRENCY DEFFERENTIAL ADJUSTMENT

MAINTENANCE SERVICE CHARGE

MANILA WATER

MARAMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with