^

PSN Opinyon

Sobrang toothpaste, masama sa mga bata

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Anumang sobra ay masama. Wika nga sa Ingles, anything extreme is poison. Tulad ng paggamit ng sobrang toothpaste na ayon kay Dr. Helen Velasco, isang international dentist ay toxic. Sinabi ni Dr. Velasco na too much flouride can lead to dental flourosis. Ito’y isang kondisyon na mararamdaman ang pananakit ng binti, sakit ng ulo at mga sintomas ng trangkaso. Ito rin ang sanhi para ang ngipin ay magkulay brown at nagpapalala rin ito ng arthritis. Ibinahagi ni Dr. Helen Velasco ang mga kabatirang nakuha niya sa kanyang pakikipag-ugnayan sa mga dentist sa Amerika at iba pang bansa.

Sinabi niya na nagkakaisa ang mga dental authorities sa pagbibigay ng babala sa mga bata na gumamit lang ng tinatawag na pea-size amount of flouridated toothpaste dalawang beses sa isang araw. Huwag magmumog ng kung anu-anong mouthwash at iba pang produkto na may flouride. Nagbabala rin ang mga dental authorities na ang mga magulang ay dapat na alamin na ang mga anak nila ay hindi nakalulon ng toothpaste na kadalasan ay may candy and fruit flavors.

Para sa karagdagang kaalaman sa dental health care, tawagan si Dr. Helen Velasco sa mga telepono: 240-2633, 645-2559 at 678-2364.

AMERIKA

ANUMANG

DR. HELEN VELASCO

DR. VELASCO

HUWAG

IBINAHAGI

NAGBABALA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with