Paano ang ibinabayad na kontribusyon sa Pag-IBIG?
May 5, 2002 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor
Ako po ay bagong retiro sa gobyerno. Sixty years old na po ako at miyembro ng Pag-IBIG nang mahigit 20 taon. Hindi pa po ako nakaranas mag-avail ng housing at salary loan dito.
Paano po ang mga ibinayad kong kontribusyon buwan-buwan sa Pag-IBIG? Maaari ko po bang makuha ito? May narinig po ako tungkol sa provident savings ukol dito? Kailangan ko po kasi ng pangpuhunan sa maliit na negosyong aking itatayo.
Maraming salamat po sa inyong lubos na pagtulong sa mga miyembro ng Pag-IBIG. Lorna Delos Reyes
Ito po ay ang tinatawag na membership maturity. Ito ang maaaring basehan ng pag-withdraw ng providents benefit ng isang miyembro sa Pag-IBIG. Patungkol ito sa 20 taong pagiging miyembro kung ang miyembro ay nakapagbigay na ng 240 kontribusyon buwan-buwan. Kaya kung nakapaghulog na po kayo ng 240 kontribusyon, maaari na po ninyong makuha ang inyong membership maturity sa Pag-IBIG office kung saan po nag-remit ang inyong kompanya.
Kung kumpleto na po ang inyong mga requirements, iproseso po ito sa loob ng 22 working days. Makukuha po ito sa Cash Division ng kaukulang Pag-IBIG branch o sa kompanyang pinagtatrabahuhan ng miyembro.
Sa mga nagnanais sumulat, maaari ninyong ipadala ang inyong mga liham sa aking tanggapan Office of the Chairman, HUDCC, 6th Floor, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City.
Mangyari lamang po na ilagay sa inyong sulat na ito ay para sa aking kolum dito sa Pilipino Star NGAYON. Maraming salamat sa mga sumusulat at tumatangkilik sa kolum na ito.
Ako po ay bagong retiro sa gobyerno. Sixty years old na po ako at miyembro ng Pag-IBIG nang mahigit 20 taon. Hindi pa po ako nakaranas mag-avail ng housing at salary loan dito.
Paano po ang mga ibinayad kong kontribusyon buwan-buwan sa Pag-IBIG? Maaari ko po bang makuha ito? May narinig po ako tungkol sa provident savings ukol dito? Kailangan ko po kasi ng pangpuhunan sa maliit na negosyong aking itatayo.
Maraming salamat po sa inyong lubos na pagtulong sa mga miyembro ng Pag-IBIG. Lorna Delos Reyes
Ito po ay ang tinatawag na membership maturity. Ito ang maaaring basehan ng pag-withdraw ng providents benefit ng isang miyembro sa Pag-IBIG. Patungkol ito sa 20 taong pagiging miyembro kung ang miyembro ay nakapagbigay na ng 240 kontribusyon buwan-buwan. Kaya kung nakapaghulog na po kayo ng 240 kontribusyon, maaari na po ninyong makuha ang inyong membership maturity sa Pag-IBIG office kung saan po nag-remit ang inyong kompanya.
Kung kumpleto na po ang inyong mga requirements, iproseso po ito sa loob ng 22 working days. Makukuha po ito sa Cash Division ng kaukulang Pag-IBIG branch o sa kompanyang pinagtatrabahuhan ng miyembro.
Mangyari lamang po na ilagay sa inyong sulat na ito ay para sa aking kolum dito sa Pilipino Star NGAYON. Maraming salamat sa mga sumusulat at tumatangkilik sa kolum na ito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended














