Political summit o political 'sabit'
May 4, 2002 | 12:00am
MAGANDA ang layunin ng political summit na ginaganap ngayon sa Manila Hotel: Ang pagkaisahin ang lahat ng partido politikal sa bansa, isaisantabi ang mga negatibong tuligsaan at magtulungan sa paglutas ng mga samut-saring problema sa bansa ngayon.
Dalawampung partido politikal ang takdang dumalo kahapon sa summit na ito. Tanging ang Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) ang umanoy nag-boycott.
I think this precisely is the problem. Masyadong maraming partido political. Hindi tulad noong araw na dadalawa ang partido: Nacionalista at Liberal.
Ngayon, sandamakmak. Pati nga yung mga maka-kaliwang sektor ay sangkatutak ang partido.
Bawat partido ay may sariling ideyolohiya at interes na ipinaglalaban. Ang interes ng isa ay maaaring salungat sa interes ng iba. Diyan nag-uugat ang polarization o pagkakawatak-watak ng bansa.
Paano mo ngayon mare-reconcile sa paraang mabilis ang magkakaibang interes na ito?
Gaya ng dati, si House Speaker Jose de Venecia ang nagpapasimuno ng summit na ito. Well meaning naman si JDV.
Magugunita natin na noong panahon ni FVR, binuo ni JDV ang Rainbow Coalition upang pagbuklurin ang ibat ibang partido politikal. Pero di nagluwat ay nabasag din ang kowalisyong ito. Kasi nga ay naghahari pa rin ang makasariling interes ng mga ibat ibang partido.
Political polarization ang nangungunang problema ng bansa ngayon.
Dapat konsensiyahin ang bawat political party. Moralsuation wika nga.
Hindi kasi normal ang situwasyon ngayon. Noong araw, simple lang ang problema: Ang pagsugpo sa kahirapan na pinag-uugatan ng rebelyon ng mga maka-kaliwa.
Pero ngayoy komplikado ang kalagayan ng bansa. Bukod sa nabanggit nating problema, naririyan ang problema sa terorismo, pagtaas ng kriminalidad, droga, pag-aaklas ng mga kapanalig ng pinatalsik na Pangulo at iba pa.
We cant afford to be too partisan in this kind of atmosphere. Dapat gawing secondary ang ideyolohiya o interes at pagtuunang pansin ang mga nangingibabaw na problema sa bansa ngayon.
Harinawang huwag mabigo ang political summit na ito na matatapos sa Mayo 5. Kung magkagayon, itoy magiging isang malaking POLITICAL SABIT sabi nga ni Brat Pig.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended