Kahit di Pag-IBIG member puwede sa Rent-to-Own Program
May 3, 2002 | 12:00am
Dear Secretary Defensor:
Nabasa ko sa inyong column sa Pilipino Star NGAYON ang tungkol sa Rent-to-Own Program ng Pag-IBIG.
Ako po ay hindi miyembro ng Pag-IBIG ngunit miyembro ng Social Security System (SSS). Maaari po ba akong mag-avail ng Rent-to-Own Program kahit hindi miyembro ng Pag-IBIG? GLENDA ng Rizal
Sa inaprubahang resolusyon ng Pag-IBIG Board, ang mga hindi miyembro ng Pag-IBIG ay maaaring maka-avail ng benepisyo ng mga programang pabahay sa pamamagitan ng pagbabayad na lamang ng dalawang taong kontribusyon. Hindi na kailangang maging miyembro ng Pag-IBIG ng dalawang taon. Ang pagbubukas ng pintuan na ito sa mga hindi miyembro ay upang ipabatid ang aming sinseridad.
Ang sinumang gustong mag-avail ng Rent-to-Own Program ng Pag-IBIG ay magsadya lamang sa aming tanggapan sa Rent-to-Own Program Office, 6th Floor, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City at hanapin si Mr. Origenes "Abed" Abednigo, Marketing Head para sa inyong aplikasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended