Sa mga mag-ra-rally ngayon: Maging mahinahon
May 1, 2002 | 12:00am
Sa paggunita ngayon ng Labor Day, ibat ibang mass actions ang gaganapin sa Metro Manila at iba pang dako ng bansa. Mga kilos protesta ay isasagawa ng mga labor unions sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno sa isyu ng pagdaragdag ng sahod, pagtaas ng singil sa kuryente, tubig at petroleum products at iba pang bilihin. Maging ang mga magsasaka, mangingisda estudyante at iba pang militanteng grupo ay magra-rally. Magsasagawa ang mga Erap Loyalist ng demo bilang paggunita sa madugong Malacañang siege noong nakaraang taon. Ang Peoples Consultative Assembly nina Linda Olaguer-Montayre ay muling babatikusin ang mga programa ng pamahalaang Arroyo na kaagad namang kinontra ng 25,000 strong Metro Manila base Moro National Liberation Front na nagpahayag ng suporta sa gobyerno.
Binigyang-diin ni Manila Mayor Lito Atienza ang kanyang no permit no rally. Ang PNP, gaya ng paulit-ulit na sinabi ni PNP Chief Leandro Mendoza, ay nakahanda sa mga demontrations at ipatutupad nila ang maximum tolerance pero ang mga nagmamalabis at bayolente ay darakpin. Ang payo ng Bantay Kapwa sa mga magra-rally ay maging mahinahon. Iwasang uminit ang ulo na kadalasan ay humahantong sa gulo. Huwag maging marahas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended