"Bakit madalas na saging ang itinatanim ninyo?"
Ngumiti si Tata Poloniong, Alam mo Doktor, ang saging ay isa sa tanim na halos lahat ng bahagi ay may gamit.
Talaga Tata Poloniong? tanong ko.
"Opo Doktor, at sinabi nito ang mga parte ng saging. Ang puno ng saging ay lilim sa mga bagong tanim na gulay. Gamit ding sapin sa pinggan, pangbalot sa mga bunga at prutas, ang katawan ay pinagpupunlaan ng kabuti at ang ubod ay ipinapakain sa baboy."
Hindi ako umiimik habang patuloy ito sa pagsasalita.
Ang dahon ay ginagamit na pambalot lalo sa kakanin at suman. Ang puso ng saging ay masarap na gulay. Ang iba ay niluluto na parang hamburger. Talagang hindi mahahalata na puso dahil pareho ang hitsura at lasa."
"Masarap nga iyon, Tata Poloniong," sabi ko naman.
Ang bunga ng saging ay masarap. Makakain na hilaw, hinog, nilaga, prito at pansahog din.
Napakahusay nga ng punong saging.
Ang hindi ko lang gusto Doktor ay tinitirahan ng lamok ang puno."
Kailangan pala ay lilinisan lagi ang punong saging ano Tata Poloniong?
Tama ka Doktor.