^

PSN Opinyon

Gen.Piad di-kumibo sa promotions ng mga bata ni PNP Chief Larry

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAY hinanakit ang mga pulis na hindi napabilang sa promotions sa madugong May 1 rally noong nakaraang taon kay Dep. Dir. Gen. Rex Piad, hepe ng Chief Directorial Staff ng pulisya natin. Hanga na sana sila sa ginawang pagharang ni Piad sa promotions ni Dep. Dir. Gen. Clyde Fernadez ng Center for Transnational Crime, subalit nauwi sa hinanakit nga dahil ni hindi man lang ito kumibo sa kaso nila. Si Fernandez kasi ay na-promote sa two-star rank wala pang anim na buwan kaya’t abot langit ang ginawang pagharang ni Piad sa bagong promotion niya. Pero sa pag-promote ng mga bataan ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Larry Mendoza na hindi man lang lumaban ng lusubin ng mga Erap loyalists ang Malacañang ay nagsawalangkibo siya. May double standard, di ba mga suki?

Kung sabagay, hindi lang ang mga naiwang ma-promote sa May 1 rally ang may hinanakit kay Piad kundi maging ang mga junior officers ng pulisya. Si Piad kasi ang isa sa mga prime movers ng panukalang gagawing 58 years ang retirement age ng pulisya na hindi sinang-ayunan ng mga junior officers. Ang ibinigay na kadahilanan ng grupo ni Piad, mawawalan ng experienced at magaling na opisyal ang PNP kapag iniretiro sila. Bakit may manopolya ba sila sa liderato ng PNP? ’Yan naman ang tanong sa kanila ng mga junior officers.

Pero hindi ’yan ang tunay na dahilan, anila. Kasi nga kapwa nakalusot ang kanyang panukala, may pagkakataon si Piad na maging PNP chief sa tulong ng kanyang kamag-anak na si Senate President Franklin Drilon nga, anang mga junior officers. He-he-he! Buti’t kinalawang ang panukalang ito kundi nagkagulo na naman at magmukhang sarsuwela ’tong PNP natin. Bakit tinutulan ni Piad ang promotions ni Fernandez? Kung ang mga junior officers ang paniniwalaan, may power play pala itong ginawa ni Piad. Anila, hayagan na ang awayan ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’69, ’70 at ’71 hindi lang sa PNP kundi maging sa military.

Dahil sa dalawang beses ng pagbitaw ni President Gloria Arroyo ng pangakong si Dep. Dir. Gen. Hermogenes Ebdane ang susunod na uupong PNP chief, aba nagsanib pala itong Class ’69 ni Mendoza at ’71 ni Piad para harangin ang napipintong promotion ni Ebdane. At ang awayan ng tatlong klase pati pagpili sa AFP chief ay nadamay: Kung kaliwa’t-kanan ang ginagawang dirty tricks laban kay Ebdane sa PNP ganoon na rin ang nararanasan ni Southern Command (Southcom) chief Lt. Gen. Roy Cimatu. Sina Ebdane at Cimatu ay kapwa miyembro ng PMA Class ’70.

Ang kuntensiyon ng mga detractors ni Cimatu dapat hindi siya mahirang na AFP chief dahil magreretiro na siya sa Hulyo. Pero maliwanag na ang iupong AFP chief ni GMA ay ayon sa national interest at hindi sa personalan. Naniniwala kasi itong PMA Class ’69 at ’71 na kapag naiupo ni GMA si Cimatu sa puwesto wala nang balakid sa pag-upo naman ni Ebdane sa trono ng PNP. Kaya’t hayan buhos ang atensiyon nila sa pagsira ng pangalan ng Southcom chief sa media. Malaki ata ang pondo no?

Pero sa PNP naman, naghihintay pa rin ang mga naiwang ma-promote sa May 1 rally na ibuka ni Piad ang kanyang bibig sa dinanas nilang kaapihan. Para maiwasan ang bintang na extension siya ng opisina ni Mendoza.

BAKIT

CHIEF

CHIEF DIRECTORIAL STAFF

CIMATU

EBDANE

PERO

PIAD

PNP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with