^

PSN Opinyon

Pag-IBIG para sa OFW

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ANG liham ay galing sa isang overseas Filipino Worker (OFW) na gustong maging miyembro ng Pag-IBIG.

Dear Secretary Defensor,


Ako po ay isang OFW dito sa Saudi at pangatlong taon ko na po dito. Isa po akong construction worker at talaga naman pong napakahirap ang sitwasyon ng mga kagaya kong malayo sa pamilya. Mabigat na po ang trabaho ngunit mas mabigat ang kalungkutan naming nadarama na malayo sa mga mahal sa buhay. Iniwan ko po ang aking asawa at anak sa Bulacan upang kumita ng pera dito.

Nitong huling bakasyon ko po sa Pilipinas ay may nabasa po akong balita ukol sa Pag-IBIG Overseas Program para sa mga OFWs. Papaano po ba ako magiging miyembro? Pinapangarap ko po kasing magkaroon ng sariling bahay at alam kong matutulungan ako ng Pag-IBIG na maisakatuparan ang pangarap na ito. Meron po bang tanggapan ng Pag-IBIG dito sa Riyadh na maaari kong pagtanungan? Salamat po ng marami at dalangin ko po ang inyong mabuting kalusugan at kaligtasan.
– MARLON GUEVARRA

Mula pa noong 1991 ay may programa na ang Pag-IBIG para sa mga OFWs. Sa kasalukuyan ito ay tinatawag na Pag-IBIG Overseas Program at ngayon ay humigit kumulang na 76,286 ang kabuuang miyembro, pinakamarami dito ay mula sa Middle East na may 36,037 na miyembro. Ang POP ay bukas sa mga OFWs, immigrant, permanent residents at mga dating Filipino citizens o di kaya’y naturalized citizens ng ibang bansa. Ang iyong kontribusyon ay maaayon sa halaga ng loan na gusto mong utangin. Kung gusto mong humiram hanggang P1 milyon ay $US20 ang buwanang kontribusyon, $US40 naman para sa higit P1 milyon hanggang 1.5 milyon at $US50 naman para sa hihigit sa P1.5 hanggang P2 milyon. Maaari mo itong bayaran sa dolyar o ang halaga nito sa piso.

Ang mga tanggapan ng Pag-IBIG POP ay matatagpuan sa mga embahada ng Pilipinas. Sa Saudi Arabia ay may dalawang opisina, sa Riyadh (Central Region) c/o Philippine Embassy Site D4, Collector Rd. C. Diplomatic Quarters P.O. Box 94366, Riyadh 11693 at sa Jeddah (Western Region) c/o Philippine Consulate General Sarhan Al Ajmawi St., Al Faisaliyyah District 1 P.O. Box 4794, Jeddah 21412, KSA. Maaari kayong makipag-ugnayan sa mga address na ito para sa karagdagang detalye.

Ipadala ang inyong mga liham sa aking tanggapan – Office of the Chairman Housing and Urban Development Council, 6th Floor Atrium Building, Makati Avenue, Makati City. Pakilagay po sa inyong sulat na ito ay tungkol sa aking kolum at kung nais ninyong ilathala ang inyong liham upang malaman ng aking tanggapan na ito ay ilalabas sa Pilipino Star NGAYON (PSN).

vuukle comment

AL FAISALIYYAH DISTRICT

CENTRAL REGION

COLLECTOR RD

DEAR SECRETARY DEFENSOR

DIPLOMATIC QUARTERS P

FILIPINO WORKER

OVERSEAS PROGRAM

PAG

RIYADH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with