Kulang pa ang kaalaman sa AIDS
April 19, 2002 | 12:00am
SA kabila ng mga isinasagawang health campaign tungkol sa mapaminsalang sakit na Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) ay napag-alaman na marami pa ring kabataang Pilipino ang hindi nakakaalam ng karamdamang ito na ang mortality rate ay patuloy na lumalaki sa rehiyong ito ng Asya. Ito ang ipinahayag sa isang survey ng United Nations Childrens Emergency Fund (UNICEF). Sampung libong kabataan sa 17 bansa sa Asya ang sumailalim sa UNICEF poll na ito. Animnapung porsiyento sa mga kabataang mula siyam hanggang 13 taong gulang at 25 porsiyento naman mula katorse hanggang disisiyete anyos ang nagpahayag na wala silang alam sa AIDS.
May mga edad disiotso na nagpahayag na alam na nila ang AIDS ay nakukuha sa pakikipagtalik sa isang lalaki o babae na may sakit na ganito. Sa 10 libong kabataan na kinapanayam ng mga taga-UNICEF, 41 porsiyento ang nagsasabi na alam na nila ang condom at ang gamit nito.
Ayon sa UNICEF poll, ang kaalaman tungkol sa AIDS ay hindi pa sapat sa Pilipinas gayundin sa Laos, Indonesia, East Timor, Mongolia, South Korea at China.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest