Ayon sa ating bubuwit, happy birthday muna kay Joe Dasig ng DZRH News Center; Col. Walter Gallardo ng Philippine Air Force, Jolly Padilla at Jenny Lim Napoles.
Ayon sa aking bubuwit, ngayong panahon ng mga town fiesta sa isang probinsiya sa Ilocos region, madalas maimbitahan ngayon itong sikat na governor. Nakagawian na kasi na tuwing town fiesta sa Ilocandia, nagkakaroon ng mga programa sa gabi. Kasama na rito ang mga coronation nights ng mga kandidata sa mga bara-barangay at mga beauty contest.
Sa ganitong mga programa, kadalasan ang mga nagiging guest of honor o guest speaker ay governor o mga kongresista.
Ayon sa aking bubuwit, simula nang mahalal si Governor ay parati itong naiimbitahan. Hindi naman siya tumatanggi, pero ang nakalulungkot dito ay hindi naman siya sumisipot. At hindi man lamang nagbibigay ng pasabi na hindi siya darating, kaya parati rin siyang inaabangan. Ni hindi rin nagpapadala ng kanyang proxy. Ang resulta, marami tuloy ang mga kababayan niyang nadi-dismaya.
Governor, may lahing Indiyan ka pala.
Ito palang si Governor ay miyembro ng Takuza Gang at Sansui. Takot sa asawa at isang sutsot, uwi.
Ang governor na takot diumano sa kanyang misis kaya hindi lumalabas ng bahay kung gabi ay si Hoy, misis ni Governor, huwag mo namang masyadong hawakan sa leeg si mister.
Ayon sa aking bubuwit, ang governor na Ilocandia na hindi lumalabas ng bahay kung gabi dahil takot diumano sa asawa ay si Governor
Sayang ka Governor, ang gandang lalaki mo pa naman. At anak ka pa ng isang magaling na lider.
Siya ay walang iba kundi si Governor M. as in Matatakutin sa Asawa.