^

PSN Opinyon

Mahal na mahal ng Diyos ang mga tao

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
KAPAG sinabi natin na mahal tayo ng Diyos, ang tinuturan natin ay mga biyaya o pagpapala. Binibigyan niya tayo ng mabuting kalusugan, tinutulungan niya tayong magkaroon ng trabaho at nakapapasa tayo sa mga eksamen. Tunay nga na ito’y mga palatandaan ng pagmamahal ng Diyos. At mainam na pasalamatan natin siya para sa lahat ng mga ito.

Subalit ang palatandaan nang pinakamalalim na pagmamahal sa atin ng Diyos ay kung ano ang ginawa niya para tayo iligtas, para panumbalikin sa atin ang kanyang mga pagpapala; ibalik sa atin ang katarungan at kabanalan. Ang mga handog na ito ay nagsaad ng walang-hanggang kaluwalhatian at kaligayahan.

Si Juan, sa Ebanghelyo ngayon ay mainam na ipinahayag ang pagmamahal na ito ng Diyos (Jn. 3:16-21).

‘‘Ganyan na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

‘‘Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na anak ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya. Hinatulan sila sapagkat naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masama ang kanilang mga gawa. Ang gumagawa ng masama ay ayaw ng ilaw, at hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanyang mga gawa. Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw; sa gayon, nahahayag na ang kanyang mga ginagawa’y pagsunod sa Diyos.’’


Mahal na mahal tayo ng Diyos. Subalit may isang napakahalagang bagay na dapat nating gawin. Dapat nating tanggapin ang handog niyang pagmamahal. At ipagpatuloy na mamuhay at kanyang pagmamahal. Ang katarungan, buhay at pagmamahal na ibinigay niya sa atin sa binyag ay dapat nating isagawa sa araw-araw ng ating buhay.

Atin itong espesyal na ipakita sa pamamagitan ng pagmamahal at paggalang sa ibang tao. Sa pamamagitan ng pagtanggol sa dangal ng bawat tao. Sa pamamagitan ng paninindigan sa katotohanan. Ang lahat ng ito ay maaari nating isakatuparan. Binibigyan din tayo ng Diyos ng biyaya, lakas, at lakas ng loob upang kumilos nang ganito.

Ipinakita sa atin ni Jesus sa Ebanghelyo kung paano!

ANAK

ATIN

BINIBIGYAN

DAPAT

DIYOS

EBANGHELYO

PAGMAMAHAL

SI JUAN

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with