Araw ng Kagitingan: Pagpupugay sa katapangan ng Pilipino

NGAYONG araw na ito ipagdiriwang ang Araw ng Kagitingan bagaman opisyal itong tradisyonal itong bakasyon bukas (April 9). Ang Araw ng Kagitingan ay isang pag-alala sa katapangan ng mga Pilipinong sundalo na nakipaglaban sa pananakop ng mga banyaga. Ang Bataan at Corregidor ay ilan lamang sa mga makasaysayang lugar na saksi sa kagitingan ng mga Pilipinong nagbuwis ng buhay para sa kalayaan.

Sa araw na ito ibigay natin ang ating mga beteranong buong giting na nagtanggol sa ating kasarinlan. Sa pagkakataong ito ipadama natin sa kanila ang ating pagpapasalamat sa kanilang sakripisyo at ang kanilang pagsugal ng buhay. Huwag nating kalimutan na sa kanilang kagitingan na ipinamalas sa panahon ng digmaan dahil isang patunay ito na dakila ang lahing Pilipino.

Ibigay natin ang ating paggalang at respeto sa mga beterano na sa kanilang kabataan ay nagsilbi sa bayan. Nawa ay maging inspirasyon ang araw na ito sa bawat Pilipino. Sa gitna ng kahirapan at kaguluhan sa bansa at sa mundo ay manatiling matatag ang ating pananalig sa kakayahan ng Pilipino gaya ng pananalig ng mga beterano noon sa Bataan at Corregidor.

Bagaman marami sa atin ang nagbabakasyon at nagsasaya ay huwag naman nating isantabi ang kahalagahan ng araw na ito sa ating kasaysayan bilang isang bansa at isang lahi. Sama-sama tayong magpugay sa ating mga beterano na hanggang ngayon ay simbolo ng kagitingan ng kadakilaan ng mga Pilipino.

Show comments