Bulok ba ang gobyerno o ang mga tao rito ?
April 8, 2002 | 12:00am
May mga reserbasyon ako sa konseptong baguhin ang sistema ng gobyerno.
May mga nagbubunsod sa federalism. Ibig sabihin, bawat rehiyon ng bansa ay bibigyan ng kalayaan sa pamamahala upang ang mga itoy umunlad sa sariling sikap at hindi lamang umaasa sa central government. Itoy hawig sa sistemang ipinatutupad sa United States of America.
Bawat federal state ay binibigyan ng sariling kapamahalaan o autonomia.
Itinataguyod naman ng iba ang sistemang Parliamentary. Sa sistemang ito, ang maaaring iboto ng taumbayan sa direct voting ay ang mga kasapi ng parliamento na siyang maghahalal naman sa mamumuno sa bansa. Kaya kung palpak ang isang leader, mabilis itong mapapalitan sa desisyon lamang ng parliamento.
Kaya posibleng kung laging palpak ang mailuluklok na lider, ang pagpapalit ay sing-bilis ng pagpapalit natin ng damit!
Hangga ngayon, patuloy pang nakikibaka ang mga maka-kaliwang sektor para maigiit ang sistemang Komunismo sa bansa. Para sa kanila, ang ano mang ibang sistema ay bulok na dapat lansagin sa pamamagitan ng rebolusyon upang ang Komunismo ang mangibabaw.
Dapat nga bang baguhin ang sistema ng pamahalaan?
Sa pananaw ko, walang sistemang masama. Ang nagpapasama lamang sa sistema ay ang mga taong bumubuo nito.
You can convert the government into another form but if the people comprising it are corrupt, masama pa rin ang magiging takbo nito.
Kaya may mga reserbasyon ako sa ganyang mga panukala. Ang dapat magbago ay ang taong naglilingkod sa pamahalaan. Alisin ang mga makasariling interes at maglingkod nang tapat sa kapakanan ng mga taumbayan na nagluklok sa kanila.
At dapat ding magbago ang mga taumbayang bumoboto. Dapat tiyakin na ang mga taong ihahalal nilay may mabuting reputasyon at may kakayahang maglingkod.
Its about time that the electorate grew politically mature at hindi bumoboto base lamang sa karisma ng isang kandidato kundi sa taglay niyang kakayahan.
Nakalulungkot pero marami pa rin tayong kababayan na bumoboto sa isang kandidato dahil lamang sa personal na pabor na ibinigay sa kanya.
Ang tingnan natin ay ang pangkalahatan at pangmatagalang kabutihan ng ating bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest