Pagdadalamhati ng naging galak
April 3, 2002 | 12:00am
ANG kuwento ng dalawang disipulong papuntang Emaus ay isa pang dakilang kuwento mula kay Lukas. Ang pinangyarihan ng kuwento ay ganito: May dalawang disipulo na nagpapalitan ng mga pag-iisip tungkol sa mga kalunus-lunus na pagkapako ni Jesus sa krus. Si Jesus ay kasabay nilang naglalakad. Nakipagkuwentuhan si Jesus sa kanila. Nang dumating sila sa Emaus, inanyayahan ng dalawa na magpalipas ng gabi si Jesus sa kanilang tahanan. Doon nahayag si Jesus bilang siya na nabuhay na muli.
Basahin ninyo ang kuwento. Bigyan-pansin ninyo ang mga detalye. Damhin ang damdamin ng dalawang disipulo (Lk. 24:13-32).
Nang araw ding iyon, ang dalawa sa mga alagad ay patungo sa isang nayong tinatawag na Emaus, may labing-isang kilometro ang layo sa Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari. Samantalang nag-uusap sila at nagtatanungan, lumapit si Jesus at nakisabay sa kanila. Siyay nakita nila, ngunit hindi nakilala agad. Tinanong sila ni Jesus, Ano ba ang pinag-uusapan ninyo? At tumigil silang nalulumbay. Sinabi ng isa na ang ngalay Cleopas, Kayo lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakaaalam sa mga bagay na katatapos pa lamang nangyari roon. Anong mga bagay? tanong niya. At sumagot sila, Tungkol kay Jesus na taga-Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa gawa at salita, maging sa harapan ng Diyos at ng mga tao. Isinakdal siya ng aming mga punong saserdote at mga pinuno upang mahatulang mamatay, at siyay ipinako sa krus. Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel. Hindi lamang iyan. Ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ito; nabigla kami sa ibinalita ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Maagang-maaga raw silang nagpunta sa libingan, at hindi nila natagpuan ang kanyang bangkay. Nagbalik sila at ang sabiy nakakita raw sila ng isang pangitain mga anghel na nagsabing buhay si Jesus. Pumunta rin sa libingan ang ilan sa mga kasama namin at gayon nga ang natagpuan nila, ngunit hindi nila nakita si Jesus.
Sinabi sa kanila ni Jesus, Kay hahangal ninyo! Anot hindi ninyo mapaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta? Hindi bat ang Mesias ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang kanyang marangal na katayuan? Ang ipinaliwanag sa kanila ni Jesus ang lahat ng nasasaad sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa sinulat ng mga propeta.
Malapit na sila sa nayong kanilang patutunguhan, at si Jesus ay waring magpapatuloy pa ng lakad. Ngunit siyay pinakapigil-pigil nila. Tumuloy na po kayo rito sa amin. anila, sapagkat palubog na ang araw at dumidilim na. Kayat sumama nga siya sa kanila. Nang siyay kasalo na nila sa hapag, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos, saka pinaghati-hati at ibinigay sa kanila. Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si Jesus, subalit itoy biglang nawala. At nawika nila, Kaya pala gayon ang pakiramdam natin habang tayoy kinakausap sa daan at ipinaliliwanag sa atin ang mga Kasulatan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended