^

PSN Opinyon

Mahal na Araw: Pagmamahal kay Jesus

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
Ang kahalagahan ng Semana Santa sa buhay ng mga Kristiyano ay hindi na dapat pang ipapaliwanag sapagkat noon pa man ay binuksan na ang ating isipan sa mga aralin ng pagkatao ni Jesus. Alam natin ang pagmamahal at pagdurusa niya. Iniligtas niya tayo upang maipakita lamang ang Kanyang tunay na pag-ibig at pagmamahal sa atin.

Ang kasaysayan ng paghihirap ni Jesus sa krus ay taun-taong inilalarawan sa atin upang ipaalaala ang pagtubos niya sa ating mga kasalanan. Nagpakahirap siya para sa atin. Siya ang dahilan kung bakit tayong lahat ay nabubuhay sa mundong ito.

Sa kabila ng kaalamang iyan, nakalulungkot na nalilimutan natin ang katotohanan Niya sa buhay natin. Tuloy pa rin ang kawalanghiyaan, kaguluhan at mga kasalanang labag sa kautusan.

Hindi matigil ang patayan, pandaraya, rape, kidnapping, graft and corruption at iba’t iba pang mga uri ng kriminalidad na alam nating lahat ay hindi pagsunod sa kagustuhan ng Diyos. Marami pa ring mga Hudas sa ating kapaligiran. Marami pa ring Pedro, na itinatatwa ang Panginoon.

Ngayon ay alam ko na. Nararapat nga marahil ang pagpapaalala sa atin ng Semana Santa. Ang Mahal na Araw ang magbibigay sa atin ng pagkakataon upang pagmuni-muniin natin ang ginawang paghihirap ni Jesus upang tayo ay mailigtas sa mga kasalanan. Maligayang pagkabuhay sa lahat!

ALAM

ANG MAHAL

ARAW

DIYOS

HUDAS

INILIGTAS

KANYANG

MARAMI

SEMANA SANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with