^

PSN Opinyon

Editoryal - Matitigok ang local cement industry

-
LABAN sa mga Pilipino at isang paraan para tuluyang patayin ang local cement industry. Ito ang lumulutang na katotohanan at magiging bunga kasunod ng ginawang pagtanggal ng P20.60 porsiyentong buwis sa mga imported cement. Nag-asal Hudas ang Tariff Commission sa mga lokal na kompanya ng semento. Sa halip na proteksiyunan ng Tariff Commission ang mga local na industriya ng semento, kinandong pa ang mga dayuhang manufacturers at lumihis sa itinatadhana ng Republic Act 3800 o Safeguard Measures Act.

Maaaring magsara ang pabrika sa pagdagsa ng mga imported cement gaya ng nangyari sa apat na malalaking pabrika ng semento – ang Mindanao Portland Cement Corp., Titan Cement, Rizal Cement at Lloyds Richfield Corp. Mula pa noong 1998 ay naramdaman na ng mga local cement manufacturers ang epekto ng pagdagsa ng mga imported. Pinapatay na sila unti-unti hanggang sa tuluyang magsipagsara.

Ang bansang ito ay paboritong bagsakan ng mga kung anu-anong produkto, maski ang toothpick at pangkalikot ng taynga ay ibinabagsak dito ng maraming bansa. Masyadong maluwag ang mga kinauukulan bagay na naging daan upang lalo pang lumala ang smuggling. Maski nga mga lumang damit para sa ukay-ukay ay ibinabagsak na rito. Luging-lugi ang gobyerno dahil sa smuggling at wala namang magawa ang gobyerno para mapigilan ang problemang ito.

Ngayon nga’y hindi lamang nagluwag ang Department of Trade Industry sa usapin ng pagdagsa ng semento kundi inalis pa ang taripa sa mga imported. Makikipag-kumpitensiya pa ang sementong ito sa local at sa dami ng mga Pinoy na mahilig sa imported, tiyak na hindi papansinin ang gawang Pinoy. Kawawa naman ang ating produkto na nasasapawan ng gawang dayuhan. Mabigat na epekto ng sinasabing globalisasyon.

Nararapat i-reject ni Trade Sec. Mar Roxas ang hakbang na ginawa ng Tariff Commission upang mapigilan ang pagkawala ng trabaho ng mga maliliit na manggagawa. Isang pagsalungat kay Roxas ang ginawa ng commission sapagkat ang Secretary mismo ang nag-imposed ng taripa. Nakapagtataka kung bakit binaligtad ng commission ang kautusan ni Roxas.

Salungat din ito sa panawagan ng gobyerno na mahalin ang sariling produkto. Tulungan ang local cement manufacturers at ganoon din ang manggagawang Pilipino. Ibalik ang inalis na taripa sa mga sementong dayuhan.

CEMENT

DEPARTMENT OF TRADE INDUSTRY

LLOYDS RICHFIELD CORP

MAR ROXAS

MINDANAO PORTLAND CEMENT CORP

PILIPINO

PINOY

REPUBLIC ACT

TARIFF COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with