Kahit sila'y bulinggit

Naisip kong talakayin ang tungkol sa mga taong kulang sa taas at ibahagi na rin ang ilang karanasan sa mga nilalang na tinutuksong unano, bansot at pandak.

Ayon sa doktor na aking nakausap ang pagiging unano ay isang abnormalidad. Sanhi umano nito ang kakulangan ng pituary gland na mag-secrete ng growth hormone. Ang dwarfism ay namamana subalit may pagkakataong ang isang couple na normal ang height ay maaaring magkakaanak ng unano gaya nina Mang Pido at Aling Sion ng Project 4, Quezon City. Tatlo ang kanilang anak, ang dalawa ay may average height pero ang bunso nilang anak na babae ay unano. Three feet four inches lang ang kanilang anak at parang limang taong gulang lang gayong magki-kinse anyos na.

Sa Hobbit House restaurant sa Malate ang mga waiter at waitress doon ay mga unano. Isa sa kanila si Noel Ong na lumabas na rin sa pelikula at telebisyon.

Ang hinanakit lang ng mga unano ay tampulan sila ng panunukso.Gusto din naman nilang igalang sila at tratuhing normal na tao. Gusto nilang ipabatid na marami ang small but terrible at totoong walang malaki na nakapupuwing.

Maraming kulang sa height ang nagtagumpay. Ilan sa mga ‘‘successful bulinggit’’ ay ang superstar na si Nora Aunor at si President Gloria Macapagal-Arroyo. Maliit man si GMA siya’y tinaguriang ‘‘Iron Lady of Asia’’.

Show comments