^

PSN Opinyon

Congressman,nagpapa-deliver ng 'pokpok' sa kanyang bahay

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang mahilig pala sa por kilong babae ang isang congressman?

At maniniwala ba kayong sa bahay pa niya ipinapa-deliver ang mga pokpok na dinadala sa kanya ng isang Mama Sang?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthdy muna kay Rep. Rolando ‘‘Nonoy’’ Andaya Jr. ng Camarines Sur; Rep. Danton Bueser ng Laguna at Ms. Au delos Reyes ng UDMC.
* * *
Alam n’yo bang mahilig sa mga ‘‘pokpok’’ ang isang matandang congressman?

Ayon sa aking bubuwit, super kulit pala itong si Congressman kapag sinumpong ng kanyang pagiging ma-elya. Kapag kinati ay tawag nang tawag sa kanyang Mama Sang upang dalhan siya kaagad ng ‘‘pokpok.’’

At maniniwala ba kayo na mas gusto pa niyang ipadeliver ang ‘‘pokpok’’ sa kanyang bahay kesa dalhin sa hotel?

Hiwalay kasi sa asawa si Congressman.

Pero, hindi ko alam kung walang delicadeza si Congressman o masyadong security conscious kaya mas gusto pa niyang idaos sa bahay ang carnal knowledge.

Ayon sa aking bubuwit, minsan ay nagalit si Congressman sa kanyang Mama Sang sapagkat nabitin siya.

Ang idineliver kasi sa kanyang ‘‘pokpok’’ ay maganda at sexy, kaya lang ay bagong opera – bagong opera ng boobs. Nagpa-extend ng mga bumpers.

Ayon sa aking bubuwit, kapag nakita si Congressman ng magaganda at seksing ‘‘pokpok’’ marami ang umaayaw sa kanya dahil medyo may edad na siya. Bukod pa sa ito ay naka-BMW, Buhok mo Wig. Pero kapag tumagal ay natutunan din siyang pakisamahan sapagkat galante sa mga ‘‘pokpok’’. Sagana kasi sa pork barrel si Congressman.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang congressmang mahilig sa mga ‘‘pokpok’’ ay walang iba kundi si…

Magaganda at mga sexy ang nadadale ni Congressman. Merong tipong pang-model at meron ding pang-artista.

Ayon sa aking bubuwit, ang congressmang nagpapa-deliver ng ‘‘pokpok’’ sa kanyang bahay ay walang iba kundi si…

Ito ay Congressman mula sa Visayas.

Ito ay si Congressman S.D. as in Shell Diesoline.

vuukle comment

ANDAYA JR.

AYON

CAMARINES SUR

CONGRESSMAN

CONGRESSMAN S

DANTON BUESER

MAMA SANG

POKPOK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with