Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Mr. Rolly Estabillo ng Philippine Airlines; Ver Flores at Cecille Herrera.
Nang ito ay dumalo sa isang conference ng inter-Parliamentary Union sa Bangkok, Thailand, nagbaon siya ng dalawang chiching. Pero bago kayo humanga sa kanya, hindi naman niya chiching ang dalawa. Yung isa lamang ang kanyang siyota at yung isa naman ay staff niya sa House of Representatives. Ginawa lamang niya itong cover upang hindi mabuking ng kanyang misis.
Kasi, tinablan din yata ng hiya si Congressman kaya ang ginawa ay tumira silang tatlo sa iisang kuwarto sa hotel.
Grabe ka, Congressman! Ano naman ang ginawa mo sa iyong staff? Scorer?
Ayon sa aking bubuwit, ang chiching ni Congressman na binaon sa Bangkok ay anak ng isang pulis. Siya ay isang Cebuana. Itago na lang natin siya sa pangalang Inday Florence. Siya ay morena at sexy.
Ayon sa aking bubuwit, ang congressmang matulis ay isang Bisaya.
Matigas din kaya ang kuwan... dila nito?
Siya ay beteranong pulitiko at kilala rin ng kanyang mga kaibigan bilang "tsimay killer".
Gumagamit siguro ng Tiramyd 500 si Congressman. Siya ay walang iba kundi si Congressman C.T. as in Certified Tulis.