^

PSN Opinyon

Hindi dahilan ang welga para di-magbigay ng bonus

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Karaniwang ang bonus ay ibinibigay sa mga empleado dahil sa sipag, tiyaga at pagkamatapat sa tungkulin na nakatutulong para kumita ang kompanya sa negosyo. Ito’y binibigay sa kagandahang loob ng kompanyang pinaglilingkuran na dapat kilalanin ng mga empleyadong naglilingkod. Kung minsan ito’y binibigay din upang maging higit na masipag ang empleado para mas malaki ang kitain ng kompanya. Sa ilalim ng batas ang bonus ay hindi isang obligasyon ng pinaglilingkuran na maaaring sapilitang ipatupad.

Ngunit sa kasong ito ng grupo ng mga empleyado sa isang printing press ipinatupad ng Korte ang hiniling nilang bonus. Tingnan natin kung bakit.

Sa nakaraang tatlong taon, binibigyan ng kompanya ng bonus ang mga empleado ng printing press dahil kumikita naman ang negosyo. Sa ika-apat na taon, kumita rin ang kompanya ng P600,000 at inilaan na ang P90,000 para sa bonus.

Ngunit nagkataon naman na sa taong nabanggit, nagkaroon ng strike sa kompanya. Kahit na napasyahan na ng hukuman na legal ang pagwewelga, hindi malimutan ng kompanya ang ginawang welga ng mga empleado kaya binimbin ang pagbibigay ng bonus. Sabi ng kompanya, kundi raw dahil sa strike mas malaki pa sana ang kinita. Tama ba ang kompanya?

Mali.
Bagamat hindi nga maaaring sapilitang ipatupad at ipautos bilang isang obligasyon ng kompanya ang pagbibigay ng bonus, makatarungan at makatwiran lang batay sa mga pangyayari sa kasong ito na bigyan ang mga empleado ng bonus. Sa katunayan nga, ito’y ginagawa na ng kompanya sa tatlong taong nakaraan at sa taong kasalukuyan. May nakalaan na silang halaga para rito. Kapag nagbibigay na ng bonus sa loob ng maraming taon, maaaring ipakahulugang ito’y bahagi na ng suweldo ng mga empleado. Sa kasong ito, ang welga ay hindi maaaring gamiting dahilan sa pagkakait ng bonus. (Phil. Education vs. CIR 92 SCRA 381).

BAGAMAT

BONUS

EMPLEADO

KAHIT

KAPAG

KARANIWANG

KOMPANYA

NGUNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with