^

PSN Opinyon

Strategy ng Erap lawyers

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
Sa impeachment trial noon ay pinipilit ng prosecution panel na si dating President Estrada at Jose Velarde ay iisa at ang bank account sa Equitable PCI Bank ay kay Estrada rin. Sinasabi ng mga taga-usig na sa account na ito idinideposito ni Estrada ang perang galing diumano sa pangungurakot. Ayon naman kay Estrada, ang account ay pag-aari ng kanyang kaibigang si Jaime Dichaves.

Sa usaping ito sumikat si Clarissa Ocampo, Vice President ng Equitable PCI Bank na nagpahayag na si Estrada ang pumirma sa mga bank documents bilang Jose Velarde. Itinanggi ito ni Estrada.

Pero biglang-biglang inamin ni Estrada sa isang TV interview na siya mismo ang pumirma sa mga nasabing dokumento bilang Jose Velarde. Marami ang hindi makapaniwala sa pag-amin ni Estrada sa dating itinatanggi niya sa impeachment trial.

Marami ang nagpahayag na ang pag-amin ni Estrada ay nagpapatunay lamang na ito ay may kasalanan. May mga nagpapahayag din na maaaring estratehiya lamang ito para mapatawan siya ng magaan na parusa.

Para sa akin, hindi ganito kabobo si Estrada na aaminin na lamang niya ang isang bagay na magpapahamak sa kanya. Matinik si Estrada. Mas naniniwala ako na estratehiya ito ng kanyang mga abogado. May hinahangad silang mas maganda para kay Estrada.

AYON

CLARISSA OCAMPO

ESTRADA

ITINANGGI

JAIME DICHAVES

JOSE VELARDE

MARAMI

PRESIDENT ESTRADA

VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with