^

PSN Opinyon

Ukay-ukay, di okay

SAPOL - Jarius Bondoc -
HINDI inutusan ni Presidente Arroyo si DSWD Sec. Dinky Soliman na sunugin lahat ng ukay-ukay. Kasi, wala namang awtoridad ang DSWD na gawin ito. Inulit lang ni GMA kay Soliman ang utos noon pang Enero 2001: Huwag nang mag-grant ng tax exemptions sa donations ng used clothing sa charity institutions. Kasi, karamihan ng donations ay hindi naman umaabot sa mahihirap kundi ibinebenta sa mga ukay-ukay.

Matagal nang bawal ang ukay-ukay. 1965 pa nang ipasa ang batas laban sa commercial importation ng used clothing. Nakapipinsala kasi ito sa kalusugan ng taumbayan, at nakayuyurak ng dignidad ng bansa. Sari-saring sakit – di lang anghit – ang maaring mapulot sa used clothes. Sa panahon ng terorismo, baka anthrax ang tumama sa Pilipinas mula sa US na kadalasang source ng used clothes. Bumababa ang dignidad ng Pilipino kapag namimili ng used clothes. Buti sana kung sa Eloy’s, legal na, gawang-Pinoy pa, kaya okay lang sa domestic economy. Pero ‘yung pagtanggap ng parang limos mula sa ibang bansa, nakapanliliit.

Lahat ng ibinebenta sa ukay-ukay ay smuggled. Ipinupuslit ito sa pier o airport sa loob ng balikbayan boxes. Kunwari’y mga damit na legal na padala ng isang Fil-Am sa mga kamag-anak sa Pinas. ‘Yun pala, ibebenta sa palengke. Dahil smuggled, Customs ang tumutugis sa ukay-ukay. Dapat kasi, kung pang-commercial sale ang used clothes sa balikbayan boxes, magbayad ng import taxes.

Katwiran ng mga opisyal sa Baguio, payagan daw ang ukay-ukay dahil tourist attraction ito. Ang baba naman ng tingin nila sa turista at sa sariling lungsod. Maraming puwedeng ipagmalaki ang Baguio – mula malamig na panahon hanggang tourist spots tulad ng Mines View Park at Lourdes Grotto – para mabuhay ang turismo.

Katwiran naman ng mamimili sa ukay-ukay, mura raw kasi. Pero hindi naman lahat ng mura ay mabuti. Tulad ng pagmumura.
* * *
Makinig sa Sapol Ni Jarius Bondoc ngayong 8-10 a.m., sa DWIZ 882-AM, para sa maiinit na isyu at tips sa tamang pamumuhay.

BUMABABA

DINKY SOLIMAN

KASI

KATWIRAN

LOURDES GROTTO

MINES VIEW PARK

PERO

PRESIDENTE ARROYO

SAPOL NI JARIUS BONDOC

UKAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with