^

PSN Opinyon

Kapistahan ng luklukan ni San Pedro

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NGAYON ay kapistahan ng pagkakaluklok kay Pedro bilang pinuno ng Simbahan. Sa Ebanghelyo ni Mateo, isinalarawan para sa atin ang mga detalye kung paanong napili si Pedro na maging pinuno ng Simbahan. Siya ang unang Papa. Ang Papa ang nakikitang kinatawan ni Jesus na Ulo ng Simbahan.

Pakinggan natin si Mateo (Mt. 16:13-19).

‘‘Nang dumating si Jesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, ‘Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?’’ At sumagot sila, ‘Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.’ ‘Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?’ Sumagot si Simon Pedro, ‘Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.’ Sinabi sa kanya ni Jesus, ‘Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: Ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.’’’


Nagtanong si Jesus. May ilang sagot ang ibinigay. Kay Pedro nanggaling ang tunay na sagot. Ito’y hindi nanggaling mula sa pantaong pag-iisip. Ito ay pahayag mula sa Ama. ‘‘Ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.’’ Batay sa ganitong inihayag na kaalaman, iniluklok ni Jesus si Pedro bilang pinuno ng Simbahan. Ang sinumang maging kaanib ng Simbahang ito ay dapat maniwalang si Jesus, ang Tagapagligtas, ay Anak ng Diyos na buhay.

Pinalitan ni Jesus ang pangalan ni Simon at ito’y ginawang Pedro. Ang ibig sabihin ng Pedro ay bato. Si Pedro ay naging solidong pundasyon na siyang pagtatatagan ng Simbahan. Napakasolido ng pundasyong ito na kahit na ang mapanirang kapangyarihan ni satanas ay di-makapananaig dito.

Si Pedro ay binigyan din ng mga susi – simbolo ng kapangyarihang magturo ng mga dapat ipatupad ng lahat na nasa Simbahan. Si Pedro ang unang Pope na umupo sa Roma. Si John Paul II ay ika-264 na Pope.

ANAK

ANG PAPA

DIYOS

JESUS

JUAN BAUTISTA

KAY PEDRO

PEDRO

SI PEDRO

SIMBAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with