Senador tumangging magpakapkap sa NAIA
February 20, 2002 | 12:00am
ALAM nyo bang tumangging magpakapkap sa Ninoy Aquino International Airport ang isang senador?
Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Rep. Raffy Nantes ng Quezon; Lucy Regasa ng Clean City; VW Mel Naguiat at Bro. Par Pamintuan ng Pampanga Lodge No. 48.
Alam nyo bang tumangging magpakapkap sa Ninoy Aquino International Airport ang isang senador?
Ayon sa aking bubuwit, noong Huwebes (Feb. 7) ay nagtungo sa Los Angeles, California ang senador at ang kanyang misis.
Dahil mga VIP, hindi muna sila tumuloy sa departure area. Naghintay muna sila sa Mabuhay Lounge kung saan nagkape o nag-juice muna. Saka lamang sumakay nang malapit nang umalis ang eroplano. Silang mag-asawa ay pang-apat na pasahero na huling pumasok sa tube patungo sa airplane.
Ayon sa aking bubuwit, ang ikinaasar ng mga security personnel ng NAIA ay nang tumangging magpakapkap ang senador na ipinasusunod dahil sa mga nangyayaring hijacking at terorismo. Di ba pati bukod sa mahigpit na pagkapkap sa mga pasahero na pasakay ng eroplano pati sapatos ay tinatanggal na rin ngayon kapag dumadaan sa x-ray machine upang matiyak na walang makapasok na bomba.
Ayon sa aking bubuwit, pagdating nina Senador at ang kanyang misis sa x-ray machine, kakapkapan din sana silang mag-asawa subalit umalma kaagad si senador. Hindi na raw kailangan sapagkat senador naman siya at hindi naman terorista.
Subalit dahil ito ay security procedure, nagpumilit ang aviation security personnel na kapkapan sana ang mag-asawa ngunit hindi pumayag si Senador.
Walang nagawa ang mga security personnel. Pinanood na lang silang mag-asawa na dumaan sa x-ray machine at hindi na kinapkapan tulad sa ginagawa sa ibang mga pasahero.
Natakot siguro dahil baka sila balyahin ng Senador.
Bad example ka Mr. Senador, idol pa naman kita noong hindi ka pa mambabatas.
Kung ang mga beteranong senador tulad ni Pong Biazon, Blas Ople at iba pang Cabinet members ay nagpapakapkap, bakit kaya ayaw nitong senador na ito? May itinatago ba siya?
Ayon sa aking bubuwit, ang senador na ayaw magpakapkap sa NAIA ay walang iba kundi si Sen. S. as in Salbahe.
Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Rep. Raffy Nantes ng Quezon; Lucy Regasa ng Clean City; VW Mel Naguiat at Bro. Par Pamintuan ng Pampanga Lodge No. 48.
Ayon sa aking bubuwit, noong Huwebes (Feb. 7) ay nagtungo sa Los Angeles, California ang senador at ang kanyang misis.
Dahil mga VIP, hindi muna sila tumuloy sa departure area. Naghintay muna sila sa Mabuhay Lounge kung saan nagkape o nag-juice muna. Saka lamang sumakay nang malapit nang umalis ang eroplano. Silang mag-asawa ay pang-apat na pasahero na huling pumasok sa tube patungo sa airplane.
Ayon sa aking bubuwit, pagdating nina Senador at ang kanyang misis sa x-ray machine, kakapkapan din sana silang mag-asawa subalit umalma kaagad si senador. Hindi na raw kailangan sapagkat senador naman siya at hindi naman terorista.
Subalit dahil ito ay security procedure, nagpumilit ang aviation security personnel na kapkapan sana ang mag-asawa ngunit hindi pumayag si Senador.
Walang nagawa ang mga security personnel. Pinanood na lang silang mag-asawa na dumaan sa x-ray machine at hindi na kinapkapan tulad sa ginagawa sa ibang mga pasahero.
Natakot siguro dahil baka sila balyahin ng Senador.
Bad example ka Mr. Senador, idol pa naman kita noong hindi ka pa mambabatas.
Kung ang mga beteranong senador tulad ni Pong Biazon, Blas Ople at iba pang Cabinet members ay nagpapakapkap, bakit kaya ayaw nitong senador na ito? May itinatago ba siya?
Ayon sa aking bubuwit, ang senador na ayaw magpakapkap sa NAIA ay walang iba kundi si Sen. S. as in Salbahe.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest