^

PSN Opinyon

Ang magsasaging

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
NAANYAYAHAN akong magsalita sa isang program sa nayon. Maaga akong dumating gayong gabi pa ang schedule ng program. Habang naghihintay sa mga bisita, napansin ko ang pagdating ng isang dyipni na may sakay na mga babae at lalaki. Tinanong ko ang katabing lalaki sa upuan na ang pangalan ay Selmo.

"Sino ba iyong mga dumating sa jeepney?"

"Mga empleyado na galing sa trabaho, Doktor. Umagang-umaga umaalis para makarating ng maaga sa opisina. Sa kalsada na sila inaabot ng maghapon."

"Siguro malaki ang sahod nila ano? Maganda ang bihis. Naka-uniporme ng puti."

Napatawa si Selmo at pakutyang sinabi "Maliit ang suweldo nila Doktor. Gusto lang matawag na empleyado. Mga ayaw maturingang magsasaka."

"Ikaw, ano ba ang hanapbuhay mo?" tanong ko.

"Magsasaging," sagot ni Selmo.

"Sino kaya ang mas malaki ang kita, ikaw o sila?"

"Mas malaki ang aking kita. Sa bunga pa lang ng saging malaki na ang kita ko. Pag dinagdag ko pa ang puso at dahon mas malaki pa."

"Paano mo nalaman na maliit ang kita ng empleyado."

"Dati akong empleyado. Laging kinakapos."

"Mabuti pa kaya ay maging magsasaging na lang ako."

"Huwag naman at mawawalan kami ng doktor," sabi ni Selmo.

vuukle comment

DATI

DOKTOR

HABANG

HUWAG

IKAW

LAGING

SELMO

SINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with