^

PSN Opinyon

AFP official kinasuhan ng chiching na kanyang ginatasan

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang inireklamo ng isang chiching ang kanyang ex-lover boy na AFP official matapos siyang gatasan?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Col. Sammy Pagdilao ng Cavite-PNP; Col. Willy Dulay ng Camp Crame; Sen. Juan Ponce Enrile, Hermie Dayrit ng Batangas City; Albert Acosta, Michelle Pamintuan at Ms. Kris Aquino.
* * *
Alam n’yo bang inireklamo ng isang chiching ang kanyang dating siyotang AFP official matapos siyang gatasan?

Ayon sa aking bubuwit, sa tindi ng galit ng chiching sa official, nagreklamo na ito sa Western Police District at sa Eastern Police District.

Sinabi sa reklamo ng chiching na ayaw na siyang bayaran ng official sa utang sa kanyang P250,000.
* * *
Ayon pa sa aking bubuwit, nagalit nang husto ang chiching sapagkat ang pakiramdam niya ginamit lang siya ng official.

Bukod sa ginamit na ng official ang chiching, ginatasan pa ito. Sa kuwenta ng chiching, accountant yata ang damuho, meron siyang listahan kung magkano ang kanyang ibinigay at kung kailan at saan niya ito ibinigay sa official

Ayon sa aking bubuwit, umabot umano sa P250,000 ang naibigay ng chiching sa official.

At ngayong sinisingil na ang official, ang sagot nito ay "Bakit, meron ka bang ebidensiya?"

Pati pala ang Honda Civic ng babae ay kamuntik nang makuha ng official.

Ayon sa aking bubuwit, ang babaing nagreklamo sa pulisya laban sa kanyang ex-lover boy na AFP official ay walang iba kundi si Ms. Rosas aka Doña Buding Jr.

At ang official na inireklamo ay walang iba kundi si Col. E. as in Estong ng ISAFP.

ALBERT ACOSTA

AYON

BATANGAS CITY

BUDING JR.

CAMP CRAME

CHICHING

EASTERN POLICE DISTRICT

HERMIE DAYRIT

OFFICIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with