Sa ilalim ng pamamahala at pondong ipapahiram ng PC Cruz and Associates, isang private developer, ang tirahan ng mga pamilyang ito ay maisasakatuparan sa madaling panahon. Sa tulong ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), ang mga lisensyang kailangan ay mapapabilis na.
Sa ilalim din ng Programang Pambansang Pabahay, mabibigyan din ng pabahay ang 670 sundalo at pulis na nasa Visayas sa ilalim ng Armed Forces Visayas Command at National Police Regional Office 7. Maisasakatuparan ito sa ilalim ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG.
Kamakailan lamang, 500 bahay na itinayo ng mga sundalo ng 51st Army Engineering Brigade sa Acli, Bacao at Madapdap, Mt. Pinatubo resettlement areas ang ibinigay ng pamahalaan sa mga benepisyaryo nito.
Dito natin makikita ang katapatan ng pamahalaan na isulong ang programa sa pabahay sa buong bansa. Mula Luzon hanggang Mindanao, ang problema sa pabahay ay matutugunan sa pagkakaisa at pagtitiwala ng mga pribadong sektor at mamamayan sa pamahalaan.