^

PSN Opinyon

Patuloy ang pagsulong ng gov't housing program

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
SA pagpapatupad ng National Shelter Program ng pamahalaan, mahigit 6,000 pamilya ang magkakaroon ng sariling lupa at bahay sa Manggahan Floodway sa Pasig City. Ang proyektong ito ay kilala sa tawag na Home Along the Floodway.

Sa ilalim ng pamamahala at pondong ipapahiram ng PC Cruz and Associates, isang private developer, ang tirahan ng mga pamilyang ito ay maisasakatuparan sa madaling panahon. Sa tulong ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), ang mga lisensyang kailangan ay mapapabilis na.

Sa ilalim din ng Programang Pambansang Pabahay, mabibigyan din ng pabahay ang 670 sundalo at pulis na nasa Visayas sa ilalim ng Armed Forces Visayas Command at National Police Regional Office 7. Maisasakatuparan ito sa ilalim ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG.

Kamakailan lamang, 500 bahay na itinayo ng mga sundalo ng 51st Army Engineering Brigade sa Acli, Bacao at Madapdap, Mt. Pinatubo resettlement areas ang ibinigay ng pamahalaan sa mga benepisyaryo nito.

Dito natin makikita ang katapatan ng pamahalaan na isulong ang programa sa pabahay sa buong bansa. Mula Luzon hanggang Mindanao, ang problema sa pabahay ay matutugunan sa pagkakaisa at pagtitiwala ng mga pribadong sektor at mamamayan sa pamahalaan.

vuukle comment

ARMED FORCES VISAYAS COMMAND

ARMY ENGINEERING BRIGADE

CRUZ AND ASSOCIATES

HOME ALONG THE FLOODWAY

HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

MANGGAHAN FLOODWAY

MT. PINATUBO

MULA LUZON

NATIONAL POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with