Ilang beses nang tinuligsa ang Placer Dome subalit walang ginagawang aksiyon sa disaster na idinulot ng Marcopper. Hindi sinunod ang commitment na ipinangako sa pamahalaan noon ni dating President Fidel Ramos.
Nasa Canada ngayon si President Gloria Macapagal-Arroyo at isang magandang pagkakataon upang hilingin sa Canadian government na atasan ang Placer Dome na linisin ang mine waste sa Marinduque. Nakaamba na naman ang panibagong disaster sa mga residente roon kung hindi maaagapang bigyan ng tulong. Umanoy nanganganib ang may 100,000 residente kapag nawasak ang limang structures na pumipigil sa mine tailings.
Masakit ang kapalit ng sinasabi nilang kaunlaran at ganda ng buhay na idinulot ng pagmimina sa nasabing lugar. Totoo ngang nabigyan ng hanapbuhay ang maraming residente subalit saglit lamang pala iyon at mas mahapdi ang iniwan mga sakit na walang lunas. Sa nangyariy tila wala namang magawa ang Department of Environment and Natural resources.
Ang nangyaring disaster sa Marinduque ay hindi naman dapat pang maulit sa Oriental Mindoro. Sa kasalukuyan, target ang Oriental Mindoro ng Mindex Resources Development Inc. isang Norwegian mining company. Umanoy noong 1997 pa nagsimula ang exploration ng Mindex sa nasabing probinsiya. Kapag natuloy ang pagmimina, maraming bayan sa Oriental Mindoro ang maaapektuhan. Maaaring magkaroon ng pagbaha at tagtuyot sapagkat sisirain ang mga bundok. Maaaring magbigay nga ng trabaho ang balak ng mining company subalit ano ang mangyayari sa dakong huli, buhay ang kapalit gaya nang nangyayari sa Marinduque. Huwag na sanang mabulag ang gobyerno sa pagkakataong ito.