Basic services shall win the people's heart
January 28, 2002 | 12:00am
Huwag nang pilitin ni Presidente Gloria Arroyo na alisin ang "katarayan."
Act naturally, wika nga. Yun bang tipong "what you see is what you get." Kung inuulan ka ng batikos at masasamang akusasyon, natural lang na magalit. Thats natural human reaction.
Pero dapat, itoy galit na rasonable at may diplomasya.
Noong Pangulo pa si Cory Aquino, she was a bit cooler compared to GMA. Pero madalas din siyang maging "taklesa" (sa wikang bading), o sa Inggles, tactless sa kaniyang mga salita.
Halimbawa, kapag binabatikos ang kawalang-kaunlaran sa kanyang administrasyon, ang karaniwang litanya ni Cory ay..Alam nyo naman na ang paghihirap natin ngayon ay dahil sa nakaraang diktadurya" or something to that effect. Kapag naging Presidente ka, hindi mo na dapat sisihin pa yung sinundan mong Pangulo.
Halos hawig dito ang istilo ni President Arroyo bagamat sa ibang konteksto. Nang punahin kamakailan na mas may "appeal" si Joseph Estrada kaysa kanya, mataray na sinabi ni GMA na mas importante ang IQ na taglay niya kaysa appeal ni Estrada.
Naniniwala ako na bilang isang statesman, kailangan ng isang mahusay na leader hindi lang ng IQ kundi ng appeal sa masa.
If you got one without the other, youre a failure as a leader. Tulad ng love and marriage that go together like a horse and carriage, sabi ng lumang awitin.
Marahil, puro appeal si Erap kaya nagkawindang-windang ang kanyang administrasyon. Pero nakikita natin ngayon na nasa bingit din ng pagkawindang ang administrasyon ni Arroyo dahil siguro sa ipinamamaraling "IQ" pero walang it o simpatiya ng masa.
Simple lang i-please ang taumbayan. Kung leader ka, ipakita ang sinseridad na nais mong maipagkaloob sa kanila ang basic services tulad ng housing, education, food, employment at health services. Sa harap ng krisis sa kabuhayan, this may not be too easy to deliver. Ang mahalaga ay nakikita at nadarama ng taumbayan na sinsero ang administrasyon na maibigay ang pangangailangan nila.
At marahil, ang mga ayudante ni GMA na in-charge sa mga proyektong pambayan ay puntiryahing mai-deliver sa pinakamabilis na panahon ang mga serbisyong ito para hindi inuulan ng tuligsa ang Pangulo.
Tulad ng kaibigan natin at kolumnistang si Housing and Urban Development Coordinating Council Chairman Mike Defensor na nagbigay katiyakan kamakailan na bago mag-state-of-the-nation address uli sa Kongreso ang Pangulo, makukumpleto na ang 300,000 overall housing target ng HUDCC sa benepisyo ng mga mahihirap nating kababayan. As of now, 191,000 na o 64 porsyento ng target na ito ang nakumpleto na ng HUDCC, ani Defensor.
Marami pang kailangan ang mamamayan bukod sa housing. Kulang pa rin tayo sa trabaho, marami pa rin ang hindi maka-afford ng edukasyon. Basic services. Iyan ang kailangan ng ating mga kababayan para mabuo ang kanilang tiwala, respeto at suporta sa administrasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended