Payo sa smokers sa Bagong Taon
January 1, 2002 | 12:00am
Wala ka pang New Years resolution? Payo lang, kaibigan, tumigil ka nang manigarilyo. Giginhawa ang paghinga at pitaka mo.
Di bababa sa 1.4 milyon tao ang namamatay taun-taon sa kahihitit. Pito sa bawat 10 nila ay nasa mahihirap na bansa. Times-17 ng dami nila ang may sakit sa baga o bibig dahil din sa usok, nicotine at tar. Yung iba, nakaratay na sa ospital, naghihintay ng sundo nung naka-talukbong na itim at may dalang malaking karet. Inuubos ang matagal pinag-ipunang pera sa pagpapagamot ng cancer o emphysema.
Pero wala ring kadala-dala. Patuloy pang dumadami ang smokers. Simula 2020, 8.6 milyon tao na ang papatayin taun-taon ni Yosi Kadiri. Mas marami pa kaysa pinagsamang uubusin ng AIDS, suicide, homicide, TB, panganganak at aksidente sa kalye.
Tinatayang 38 porsiyento ng lalaki at pitong porsiyento ng babae sa mundo ang nagyoyosi. Karamihay nasa Third World, kung saan 48 porsiyento ng lalaki at 12 porsiyento ng babae ang smokers. Simula 2020 uli, 15 porsiyento na lang ang smokers sa mauunlad na bansa. Pahigpit nang pahigpit ang mga gobyerno nila laban sa smoking. Sa mahihirap na bansa na lang karamihan ng addicts.
Sa California bawal na manigarilyo sa lahat ng opisina, kainan, sinehan, tindahan at pampublikong sasakyan. Ang laki rin ng buwis sa sigarilyo, kaya pumapatak sa P280 isang kaha. Parami nang parami ang bansa sa Uropa na nagbabawal ng tobacco advertising. Pinaka-huling sumali ang Poland at Finland.
Sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas, hikahos sa negosyo kaya okey lang ang paninigarilyo. Nag-e-empleyo nga naman kasi ng libu-libo ang tobacco companies. At nag-a-advertise nang milyun-milyon. Yun nga lang, kapos ang pera ng gobyerno sa health care para alagaan ang mga nagkakasakit sa paninigarilyo.
O, kaibigan, patayin na yang yosi, para mas marami pang Ene. 1 makakabati ng Manigong Bagong Taon sa ating lahat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended