^

PSN Opinyon

Maligayang Pasko

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
NAPAKABILIS talaga ng takbo ng panahon heto at Pasko na naman. Abala man tayo sa ating pang-araw araw na gawain, huwag naman sana nating kalimutan ang tunay na diwa ng Pasko. Ang kapanganakan ng ating Tagapagligtas na si Jesus ay panahon ng pagmamahalan. Gaya ng dakilang pagmamahal ng ating Panginoon sa sanlibutan upang tubusin tayo sa pagkakasala gayon din sana ang pagmamahal sa ating kapwa.

Ang Kapaskuhan ay panahon ng pagbibigayan. Ito ang dahilan kung bakit tuwing Pasko ay may mga regalo at aginaldo tayong ibinibigay bilang pag-alaala sa ginawang pagbibigay ng Panginoon sa Kanyang bugtong na anak upang iligtas ang sanlibutan.

Ang Kapaskuhan ay panahon ng pagpapatawad. Sa kapanganakan ni Jesus, isabuhay nawa natin ang halimbawa ng pagmamahal na ipinakita ni Jesus sa sangkatauhan, ang Kanyang pag-aalay ng buhay para sa atin. Sa ating lipunan na puno ng hidwaan at pagkakahati-hati, sa Paskong sana manaig sa ating mga puso ang kapatawaran at pag-ibig sa bawat isa. Sana ay magsama-sama tayo bilang isang lahi at isang bansa.

Ang Kapaskuhan ay panahon ng kapayapaan. Sa gitna ng karahasan sa ating bansa, sana man lang ay magkaroon tayo ng mapayapang Pasko upang lubos nating maintindihan ang diwa ng pagdiriwang na ito. Sa kabila ng karahasan at takot na nais itanim ng ilang masasamang elemento ng lipunan, ang tunay na kahulugan ng Pasko ay nangingibabaw pa rin sa puso ng bawat isa.

Muli, nawa’y maging mapayapa at puno ng biyaya ang Paskong ito para sa bawat pamilyang Pilipino!

Maligayang Pasko sa lahat!

ABALA

ANG KAPASKUHAN

ATING

GAYA

KANYANG

MALIGAYANG PASKO

PANGINOON

PASKO

PASKONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with