TV reporter siyota na ng biyudong congressman

ALAM n’yo bang siyota na ng biyudong congressman ang isang TV reporter?

Alam n’yo rin bang ang tinalo ng biyudong congressman sa panliligaw sa reporter ay binatang congressman?

Ayon sa aking bubuwit, 6 days na lang at Pasko na.
* * *
Alam n’yo bang nanalo ang isang biyudong congressman sa panliligaw sa isang magandang TV reporter?

Tinalo ng biyudong congressman ang karibal na binatang congressman sapagkat may pagka-torpe diumano ito kung manligaw.

Ang biyudong congressman ay mga 49-anyos na samantalang ’yung nakaribal ay 39-anyos. ’Yung magandang TV reporter ay paga-betty kuwatro anyos pa lamang.

Ayon sa aking bubuwit, ang TV reporter na niligawan ng dalawang congressmen ay taga-ABC-5. Ito ay nagko-cover sa House of Representatives kaya maraming congressmen ang nagtangkang "umaswang" sa kanya. Ito ngang biyudong congressman at ang binatang congressman mula sa Central Luzon.

Ayon sa aking bubuwit, hindi pala nagustuhan ng TV reporter ang binatang congressman sapagkat may pagka-pabling. Dalawa na ang naging siyota ng binatang congressman subalit walang tinotoo.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang nabasted na congressman ay walang iba kundi si...

Teka, ’yung niligawan muna.

Ang magandang TV reporter na niligawan ng dalawang congressmen ay walang iba kundi si... Miss P. as in Pangga ng ABC-5.

Ang congressman na binasted ay walang iba kundi si... Ito ay anak ng dating residente sa Malacañang. Ito ay taga-Central Luzon. Siya ay si Congressman A.B. as in Ang Babaero.

At ang masuwerteng congressman na nagpabagsak sa matamis na "oo" ng TV reporter ay walang iba kundi si... Ito ay mula sa pamilya ng batikang pulitiko.

Teka muna, totoo bang nag-usap na si Congressman at ang TV reporter tungkol sa kanilang kasal next year?

Ayon sa aking bubuwit, ang nagwaging congressman sa panliligaw sa TV reporter ay si... Congressman G.B. as in Good Boy ng Metro Manila.

Show comments