^

PSN Opinyon

Sana'y matupad ang ipinangako sa Summit

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
Isa sa mga magandang kaganapan sa ating bansa ay ang pagdaraos ng National Socio-Economic Summit sa Fiesta Pavillion, Manila Hotel noong Lunes. Nasabi kong maganda sapagkat walang batuhan at siraang narinig. Pawang sa kabutihan ng bayan ang tanging tinatalakay.

Ganito ang dapat mangyari sa ating bansa lalo na sa panahon ngayon na karamihan sa mga Pilipino ay naghihirap at nagugutom. Marami ang nawalan ng trabaho. Karamihan sa ating mga OFWs ay hindi na nakakuha ng kanilang mga kontrata sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Maganda ang ginawa ng ating mga lider, matataas na opisyal ng gobyerno, mga kinatawan ng iba’t ibang organisasyon at NGOs sa idinaos na Summit. Ewan ko kung kasama sa summit ang kinatawan ng tunay na mahihirap. Mailalarawan nila ang tunay na kalagayan ng mga naghihikahos at nang mga walang-wala sa buhay.

Sana sa natapos na Summit ay makita na nga ang mga solusyon upang maiangat ang kalagayan ng ating bansa. Sana ang ipinakita ng mga pinuno sa Summit ay pangmatagalan na. Walang banatan, walang pamumulitika at pawang kabutihan ng bayan ang atupagin!

EWAN

FIESTA PAVILLION

GANITO

ISA

KARAMIHAN

MAGANDA

MANILA HOTEL

NATIONAL SOCIO-ECONOMIC SUMMIT

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with