^

PSN Opinyon

Kanya-kanya tayo

SAPOL - Jarius Bondoc -
Hindi raw puwedeng magkaisa ang Pilipino. Anang ilan, utak-talangka sa kaldero raw kasi tayo. Kapag may nakaaangat para makawala, hindi tinutulungan ng iba para iahon din sila. Sa halip, hinihilang pababa.

Dagdag ng iba, archipelago kasi tayo. Hiwa-hiwalay sa pulo-pulo. May kanya-kanyang kultura at wika: Ilokano, Tagalog, Ilonggo, Maranao o Yakan. Iisa nga ang bansang Pilipinas at bansag na Pilipino. Pero sa totoo, mas malakas ang kaisipang tribu o rehiyon.

Ewan nga ba kung utak-talangka o regionalistic tayo. Sa pagkalaki-laking Tsina, 1.3 bilyon ang tao, masidhi ang damdaming nasyonalismo. Iba-iba rin ang wika kada probinsiya: Fookien, Cantonese, Mandarin. Pero nagkakaisa sa isip at diwa. Kaya matatag ang ekonomiya.

Gayon din sa malaking US. Limampung states, 250 milyong tao, iba-ibang lahi: puti, itim, kayumanggi. Pero iisa sa pagka-Amerikano.

May papel kaya ang pamunuan? Ang Tsina nang lumaya mula sa Kanluran, pinamunuan ng komunista. Malupit nga sa karapatan, pero tinuro ang pagkakaisa. Ganoon din sa Mexico, na 52 taon sa ilalim ng Partido Revolucion Institucional. Sa Taiwan, Kuomintang ang namuno.

Sa Pilipinas, matapos ang 1896 Revolution, nagkawatak-watak ang Katipunan. Sumulpot at naghalinhinang mamuno ang Nacionalista at Liberal. Ngayon, kanya-kanya sa ilalim ng multiparty system.

Pero hindi rin pamunuan. Wala namang iisang partidong namuno sa US mula nu’ng 1776 Independence. Malakas lang ang Constitution. Sa USSR naman, naghari ang komunista nang 48 taon. Watak-watak na sila.

Marahil nasa pananaw. Sino nga ba ‘yung pari na nagsabing may dalawang monster daw na naglalaban sa pagkatao ng Pilipino? Isang monster daw ang pagiging labis na makasarili. ‘Yung isa naman ay labis na mapag-bigay. Sino ang mananalo sa dalawang monster? E di ‘yung pinananaig natin – kundi ‘yung kanya-kanya, ‘yung lahat-tayo.

Halimbawa, halos pareho ang salitang Bisaya sa Cebu at Tausug sa Sulu. Pero hindi maisip ng Cebuano at Suluanon na magkakabit sila. Mas malakas ang paniwalang iba ang Kristiyano sa Muslim sa Lumad.

AMERIKANO

ANANG

ANG TSINA

BISAYA

PARTIDO REVOLUCION INSTITUCIONAL

PERO

PILIPINO

SA PILIPINAS

SA TAIWAN

SINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with