Sama-sama kaming magkababata;
Sa mga lansangan kamiy makikita
Grupo-grupo kami na nagsisikanta.
Inaawit namiy awiting Pamasko
Pagkat mga musmos ay wala sa tono;
Lata ng sardinas aming pinapalo
Si Ate ang dala ay munting kaldero.
Mga kapitbahay ang tinatapatan
Sa mga bintanay masayang durungaw;
Nag-aabot sila ng perat kalamay
Kaya tuwa namiy hindi magkamayaw.
Pagod na kataway ipinapahinga
Kapagka napansing tumatanghali na;
Subalit sa gabi ay balik-kalsada
At muling aawit na barka-barkada.
At hindi lamang kami ang nagsisiawit,
Ang lahat ng bata sa buong daigdig
Ay kasama namin at aming ka-tinig
Sindami ng stars na nasa sa langit.
Kaya nga ang Pasko at ang mga bata,
Tunay na masaya kung Paskong dakila;
Ang gulo sa mundo ay di alintana
Walang Abut Laden na mapaminsala.
Masaya ang Christmas kapag namamasko
Ang maraming bata sa lahat ng dako;
Sa Ninong at Ninang kapag nagmamano
Ay taos sa puso ang damdamin nito.