^

PSN Opinyon

The agony of journalists

- Al G. Pedroche -
MAHIRAP maging mamamahayag. Even the most well-intentioned journalist is bound to make more enemies than friends.

Kasi, in the process of criticizing the misdemeanors in our society (lalu na sa gobyerno) we are prone to hurting some people’s feelings even if our intention is to have the wrongs rectified.

This was the tenor of my message sa pagbubukas ng tatlong-araw na press congress sa pagtataguyod ng Publishers Association of the Philippines (PAPI) na idinaos noong Biyernes hanggang kahapon sa Teachers Camp sa Baguio City.

Congrats nga pala sa PAPI for the successful congress na dinaluhan ng sangkatutak na mga mamamahayag sa diyaryo, radyo at telebisyon mula sa iba’t ibang dako ng bansa. This shows the concern and love of PAPI for the media industry. This is what I call PAPI love.

Thanks din kay PAPI president Johnny Dayang for inviting me to deliver a message on the first day in behalf of the National Press Club of the Philippines of which I’m vice president.

Sa harap ng mga mabibigat na suliranin sa pagbagsak ng ekonomiya, paglaganap ng kriminalidad at terorismo, napapanahon ang kongresong ito para naman magising ang ating mga kabaro sa propesyon sa diwa ng pagtutulungan upang harapin ang mga hamong ito.

Keynote speaker din on the second day si President Gloria Arroyo na umapela sa media na makipagtulungan sa gobyerno sa pagbaka sa mga dambuhalang problema ng bansa.

Adversarial
nga ba ang media kapag bumabatikos sa mga anomalya sa gobyerno?

You see, media is supposedly the eyes and ears of the citizenry who otherwise have no access para mabatid kung ano ang nangyayari sa lipunan.

Ngunit sa prosesong ito, may mga nasusugatan tayo ng damdamin. Often, we run the risk of being sued for libel at the least, or (God forbid) being silenced for good at the worst.

Pero totoo at di natin maitatanggi na may mga pang-aabuso sa propesyong ito. Mga mamamahayag na bayaran. "Pinaguguwapo" sa mga "pangit" at naninira sa mga kalaban ng pulitiko kapalit ng halaga.

About such ills, we the journalists must guard ourselves against. Katulad din sa ibang propesyon, ang mali ng ilan ay nakakadungis sa buong institusyon.

Putting God at the center of our trade and looking to him in lieu of our selfish interest is the key to doing our task the righteous way.

Nang magsalita si dating Sen. Letty Ramos-Shahani pagkatapos ko, kinatigan niya ang aking punto na dapat magkaroon ng moral regeneration sa media.

Totoong napakabigat ng mga problemang kinakaharap ng bansa at napapanahon na ang mga media practitioners ay magkaroon ng critical collaboration sa pamahalaan.

Bumatikos hindi sa layuning manira kundi upang itama ang mali. Gayundin, magbigay ng puri kung kinakailangan sa mga magagandang bagay na nagagawa rin ng pamahalaan. Kung mayroon.

At tulad ng madalas kong sabihin, ang sino mang public official na nasasagasaan ng mga puna ng media ay di dapat magpuyos sa galit. Kung mali ang puna, ihayag niya ang tama at kung may katotohanan naman ang batikos, matutong umamin ng pagkakamali at ituwid ito.

At sa kapwa ko mamamahayag, ugaliin nating bigyan ng equal space ang lugar ng ating mga napipitik ng ating mga panitik.

BAGUIO CITY

JOHNNY DAYANG

LETTY RAMOS-SHAHANI

MEDIA

NATIONAL PRESS CLUB OF THE PHILIPPINES

PRESIDENT GLORIA ARROYO

PUBLISHERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

PUTTING GOD

TEACHERS CAMP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with