^

PSN Opinyon

Sayawan at monumento

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen.Juan M. Flavier -
NAGKATAONG nasa baryo ako nang idaos ang sayawan. Sa plasa iyon ginawa. Bihira iyong mangyari. Maraming binata at dalaga ang natuwa. Ang binatilyong si Poldo ay hindi mapakali dahil sa pagkasabik.

Inihandang mabuti ang plasa. Nagtutulung-tulong ang mga taga-baryo. Nilinis at nilagyan ng bakod. Nilagyan ng banderitas na iba’t iba ang kulay. Umarkila sila ng malakas na ponograpo.

Mag-aalas-otso ng gabi ay dagsa na ang mga kabinataan. Ang mga suot ay parang pamburol. Pagdating ng mga kadalagahan ay nag-umpisa na ang hinihintay-hintay ng lahat na sayawan. Masayang-masaya ang lahat at walang tigil sa pagsasayaw. Magdamagan daw o pa-morningan ang sayawan.

Ang binatilyong si Poldo ay naroon. Nakasuot din ng pamburol. Wala ring tigil sa pakikipagsayawan si Poldo.

Nang magmadaling-araw ay may nagsabing tatapusin na ang sayawan. Marami ang tumutol.

Hindi lamang ang pagsasayawan ang ginagawa. Paminsan-minsan ay may kumakanta para magpahinga ang mga nagsisisayaw.

Si Poldo ay nahilingang bumigkas ng tula. Sabi ni Poldo: "Kaunting bato, kaunting semento, monumento. Kaunting halo, inidoro."

Sinabayan ng tawa na malakas at ibinulgar sa mikropono ang tungkol sa tula. "Ang aking tula ay buong puso at pagmamahal na inihahandog ko kay Dr. Flavier. Sapagkat siya ang nagturo sa atin ng paggawa ng sementong inidoro sa bayan. Kaya ang inidoro ay magsisilbing kanyang monumento."

vuukle comment

BIHIRA

DR. FLAVIER

INIHANDANG

KAUNTING

KAYA

MAGDAMAGAN

MARAMI

MARAMING

POLDO

SI POLDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with