Kamakailan, sinuportahan ang programang ito ni Manila Mayor Atienza at Mayor Abalos ng Mandaluyong. Hinikayat nila ang kanilang buong konseho at mga residente na makiisa sa pagsulong ng programa ng pamahalaan sa paglutas ng problema sa pabahay.
Pati ang Philippine Consulate General ng Milan, Italy ay hinimok ang kanilang mga opisyal at kawani na suportahan ang Pag-IBIG housing bond.
Ang Pag-IBIG bond ay hindi lamang makatutulong sa ating suliranin sa pabahay kundi makikinabang ang kabuuang ekonomiya ng ating bansa. Ito ay makapagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan, dadami ang mga pangangailangan sa mga semento at iba pang kagamitan sa pagpapatayo ng bahay at makasusulong ito sa real estate business sa bansa.
Sa mga nagnanais ng Pag-IBIG bond mayroon pa kayo hanggang Nobyembre 27, 2001 para bumili nito.