^

PSN Opinyon

Pag-IBIG housing bond

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
UMANI ng malaking suporta ang Pag-IBIG housing bond mula sa iba’t ibang siyudad sa Metro Manila. Layunin ng pondong makukuha rito na palawakin ang sakop ng mga programa sa pabahay para sa mamamayan. Makatutulong ang Pag-IBIG sa mga nagnanais magkaroon ng sariling bahay sa pamamagitan ng paghiram ng pondo. Ang Pag-IBIG bond ay nagkakahalaga ng P5,000, P10,000 at P50,000. Bawat P5,000 Pag-IBIG bond ay magkakaroon ng walong porsiyentong interes bawat taon. Hindi lamang mga miyembro ng Pag-IBIG ang maaaring makabili nito kundi pati na rin ang mga hindi miyembro, mga kompanya at mga organisasyon.

Kamakailan, sinuportahan ang programang ito ni Manila Mayor Atienza at Mayor Abalos ng Mandaluyong. Hinikayat nila ang kanilang buong konseho at mga residente na makiisa sa pagsulong ng programa ng pamahalaan sa paglutas ng problema sa pabahay.

Pati ang Philippine Consulate General ng Milan, Italy ay hinimok ang kanilang mga opisyal at kawani na suportahan ang Pag-IBIG housing bond.

Ang Pag-IBIG bond ay hindi lamang makatutulong sa ating suliranin sa pabahay kundi makikinabang ang kabuuang ekonomiya ng ating bansa. Ito ay makapagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan, dadami ang mga pangangailangan sa mga semento at iba pang kagamitan sa pagpapatayo ng bahay at makasusulong ito sa real estate business sa bansa.

Sa mga nagnanais ng Pag-IBIG bond mayroon pa kayo hanggang Nobyembre 27, 2001 para bumili nito.

ANG PAG

BAWAT

BOND

IBIG

MANILA MAYOR ATIENZA

MAYOR ABALOS

METRO MANILA

PAG

PHILIPPINE CONSULATE GENERAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with