^

PSN Opinyon

Madugong away ng magkapatid

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Si Emilio ay isang negosyante. May-ari siya ng tatlong kiskisan ng palay, na ang isa’y nasa ilalim ng pamamahala ni Gonzalo.

Isang araw, pinuntahan ni Gonzalo si Emilio upang mamili ng palay. Si Gonzalo at ang kapatid niyang si Manuel ay may alitan ng panahong iyon. Nawala ang tandang na manok ni Gonzalo, na ibinintang niya kay Manuel. Sa katunayan nang umagang iyon hinamon ni Manuel si Gonzalo ng suntukan. Si Emilio ay uminom ng alak noon. Ngunit hindi siya pinansin ni Gonzalo dahil papunta nga siya kay Emilio.

Ngunit nang ihatid ni Emilio si Gonzalo sakay ng Tamaraw niya, sinalubong sila ni Manuel na noo’y lasing na at may hawak na patalim. Sinugod ni Manuel si Gonzalo at nagsisigaw ng ‘‘papatayin kita ngayon!’’ Pagbaba sa Tamaraw ay nadulas si Gonzalo at nagbuno ang dalawa. Nang makita ito ni Emilio ay tumakbo siya.

Samantala natalo ni Gonzalo si Manuel at naagaw ang patalim. Dahil sa pagdidilim ng paningin, nasaksak at napatay ni Gonzalo si Manuel. Ngunit nang namalayan niya ang buong pangyayari nagsisi siya at kusang sumuko sa vice mayor.

Nakasuhan si Gonzalo ng homicide. Isinama sa kaso si Emilio dahil ito raw ay tumulong kay Gonzalo habang sinasaksak si Manuel ayon sa testimonya ng asawa at anak ng biktima. Sa kabila ng sinabi ni Gonzalo na siya lang at walang kinalaman si Emilio sa pagkamatay ni Manuel, sinentensiyahan pa rin ito ng mababang hukuman. Pati si Emilio ay sinentensiyahan dahil may sabwatan at pagtutulungan daw ang dalawa. Tama ba ang mababang hukuman?

Mali.
Si Gonzalo lang ang tanging may sala. Ang pahayag niya na umaako sa pagkakasala ay kapani-paniwala. Ang alitan nilang magkapatid ay tungkol sa isang manok panabong na walang kinalaman si Emilio. Walang dahilan upang sumama ang loob ni Emilio dahil sa pagkawala ng manok ni Gonzalo. At kung ginalit lang ng lasing na si Manuel si Gonzalo, paano magkakaroon ng sabwatan sina Emilio at Gonzalo? Walang kinalaman si Emilio sa away ng magkapatid tungkol sa isang panabong na manok at hindi siya sumali sa away ng dalawa. Kaya hindi siya maaring managot sa pagpatay kay Manuel. (Madrid vs. Court of Appeals G.R. No. 130683 May 31, 2000).

COURT OF APPEALS G

EMILIO

GONZALO

MANUEL

NGUNIT

SI EMILIO

SI GONZALO

SIYA

TAMARAW

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with