Palusot ng palpak
November 13, 2001 | 12:00am
Nakagigimbal ang statistics. Mula Enero hanggang Oktubre, 225 ang na-kidnap for ransom. Kung di ibibilang ang dagdag-bawas abductions ng Abu Sayyaf sa Basilan simula Mayo, 149 na ang biktima. Malala pa rin. Mahigit doble ng 73 biktima nung 2000. Dinaig ang pinaka-malalang record ng 1997 na 138 biktima.
Pero nakangisi lang ang pamunuan ng PNP. Sabi ng isa, tumaas daw kasi ang dami ng nagre-report ngayon. Dala raw ito ng nanumbalik na tiwala sa pulis. Ows?
Dagdag pa ng ibang pinuno, kasalanan daw ng media. Pinalalaki lang daw ang balita gayong kokonti lang naman ang kidnappers. Panay daw ang headline tungkol sa Abu Sayyaf, halimbawa, gayong 500 lang naman daw ito sa buong Basilan. Ano? Ganon nga lang kakonti, hindi pa matunton ng 15,000 sundalo at ni hindi matunugan ng pulis sa Basilan kung sinu-sino sila. Abay inabot ng limang buwan bago sila makahanap ng litrato ng spokesman na si Abu Sabaya.
Pahabol din ng isa pang pinuno na lahat daw ng 105 insidente ng kidnapping ngayong 2001 ay nalutas. Talaga? E bakit hangga ngayon ay hindi pa natutunton kung sino ang dumukot sa milyonaryong DPWH district engineer sa Laguna? Bakit ni walang follow-up sa pag-ransom sa apo ni Ambassador to United Nations Alfonso Yuchengco? Kung lutas ngang lahat, bakit patuloy ang kidnapping? Bakit marami pa ring naeengganyong pumasok sa karumal-dumal na krimen na habambuhay na pagkabilanggo o lethal injection ang katapat?
Mababa ang sahod ng pulis. Kapos sa pondo at kagamitang pang-imbestiga. Kulang sa tao at mahina ang training. Naiintindihan natin yan. Pero hindi yan maaring maging katwiran para lumala ang krimen. Kasi kung ganun, e di huwag na lang magkaroon ng pulis. Wala rin namang silbi. Sumusuweldo at pinopondohan, pero walang magawa.
Isa lang ang puwedeng asahan sa pulis sa harap ng dumadaming kaso ng kidnapping for ransom: Ibayong sigasig, talino at tapang sa pagtugis sa mga kriminal at pagpigil sa pagdami ng mga pusakal.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest